Childhood memories: Mahilig ka rin bang kumain noon ng sour ball candies?

  • Kabilang ang sour ball candy sa mga paboritong kainin noon ng mga batang Pilipino
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, inalala ng marami ang mga alaalang kakabit na ng klase ng kendi na ito
  • Dito ay nagbalik-tanaw ng mga “young once” na mahilig bumili nito sa tindahan o madalas itong hingiin sa mga magulang bilang pasalubong

Natatandaan mo pa ba kung anong kendi ang nagpasarap ng kabataan mo?

Image captured from Facebook

Kabilang ang sour ball candy sa mga paboritong kainin noon ng mga batang Pilipino. Sa Facebook group na Memories of Old Manila, inalala ng marami ang mga alaalang kakabit na ng klase ng kendi na ito.

Dito ay nagbalik-tanaw ang mga “young once” na mahilig bumili nito sa tindahan o madalas itong hingiin sa mga magulang bilang pasalubong. Mayroon ding iba na binabaon pa sa paaralan ang paborito nilang kendi, habang ang ilan ay ginagawa itong pang-exchange gift kapag Christmas party.

“Masarap iyan,” wika ng social media user na si Analiza L. Garcia. “Mayroon ako niyan. Sikat iyan noong bata kami.”

“Lagi akong may baon niyan noong elementary ako,” pagbabahagi ni Fe Banzuelo.

“Oo, natatandaan ko iyan,” kumento ni Arlene Hornilla. “Iyan ang uso noon na pang-exchange gift namin sa tuwing Christmas party sa school namin.”

“Kapag mayroon ako niyan, feeling ko kumpleto na ang buhay ko,” ani Jesus Samson.

Pag-aalaala naman ni Regina Buenconsejo sa natatandaan niyang hitsura ng sour ball candy, “Mas malaki nang kaunti tapos parang may sugar. Noong araw, sa halagang 10 centavos ay may mabibili ka na.”

Image via Amazon

Samantala, ang iba naman daw ay sinamantala ang popularidad ng mga kendi na ito at ipinagbili ito ng tingi sa kanilang mga kamag-aral at kaeskwela.

Ikaw, nahilig ka rin sa sour ball candies? Ano-anong alaala ang ibinabalik sa iyo ng pagkaing ito?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: