Batang ’90s quiz: Naaalala mo pa ba ang mga tauhan sa ‘Ghost Fighter?’

  • Sa isang Facebook post, inalala ng mga netizens ang isa sa mga kinahihiligan nilang panooring anime noon tuwing hapon
  • Ang anime na ito ay ang “Ghost Fighter,” isang Japanese manga series na ginawang anime at ipinalabas sa telebisyon noong 1990s
  • Maraming Pinoy na napanood ito noon ang kilala pa rin ang mga tauhan sa nasabing anime

Ano ang iyong paboritong cartoon o anime na pinapanood mo noon at mapahanggang ngayon? Para sa karamihang batang 90s o iyong mga Pinoy na ipinanganak mula taong 1990, maraming anime noon ang gustong-gusto nilang panoorin.

Imahe mula Freepik

Sa tuwing hapon ipinapalabas sa telebisyon ang mga Tagalog dubbed anime upang mapanood ng mga bata pagkagaling nila sa eskuwela. Kaya naman maraming Pinoy ang may alaalang diretsong umuuwi sila sa bahay pagkagaling sa eskuwela upang manood ng paborito nilang anime.

Ang ilan sa mga anime na sikat noon magpahanggang ngayon ay ang Dragon Ball, Flame of Recca, Hunter X Hunter, at marami pang iba. At syempre hindi mawawala sa listahan ang pinakakilala ng lahat: ang Ghost Fighter.

Sino nga bang batang 90s ang hindi nakakakilala kay Eugene at ang kapagyarihan niyang ray gun? Hindi rin malilimutan ang stadium kung saan naglalaban ang mga tao at halimaw na mayroong iba’t ibang hitsura at kapangyarihan.

Imahe mula Facebook

Sa Facebook post ng FB page na CinemaBravo, inalala nila ang mga tauhan sa nasabing anime. Nilagyan ito ng caption na: “Can you still recall these #GhostFighter characters?” At sadyang nakabibilib ang mga comments ng mga Pinoy na kilalang-kilala pa ang mga tauhan sa Ghost Fighter.

Ang ilan sa kanila ay alam na alam pa ang English at Japanese names ng mga tauham. “Dennis = kurama,, Eugene = yusuke, Alfred = kuwabara, Vincent = hueie, Taguro = toguro, Raygun = spirit gun (translated from Japanese).”

Imahe mula Facebook

Isang netizen din ang nagbahagi ng kaniyang mga paboritong anime noon: “I love this show, missing my childhood days Ghost Fighter, Inuyasha, Full metal Alchemist, Dragon Ball Z, Beyblade, Pokemon, Swat Cats.”

Tunay ngang kay sarap balikan ang mga alaala noong tayo ay musmos pa lamang at ang tanging hinihiling ay magapi ni Eugene si Taguro kahit ginamit na nito ang isang daang porsyento niyang lakas.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: