Balikan: Old school na basurahan, ipinaalala ang nakaraan

  • Bumalik sa kahapon ang mga “young once” matapos makita ang larawan ng old school na basurahang yari sa lata na madalas gamitin noong araw
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ini-upload ng isa sa mga miyembro ang basurahan na ginagamit ng marami noong hindi pa uso ang mga tapunang yari sa plastik
  • Kahit simpleng bagay lamang, marami pa rin itong ipinaalala sa mga social media user

Nagbalik-tanaw sa kahapon ang mga “young once” matapos makita ang larawan ng old school na basurahang yari sa lata na madalas gamitin noong araw, bago pa man nauso ang mga tapunan ng basura na yari sa plastik.

Image captured from Facebook

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ini-upload ng isa sa mga miyembro ang basurahan na ginagamit ng marami noon; na katulad na katulad din ng basurahan kung saan nakatira si Oscar the Grouch ng Sesame Street. Kahit simpleng bagay lamang, marami pa rin itong ipinaalala sa mga netizen na minsang nagkaroon, gumamit, o nakakita nito.

“Trash can dati. Trash can ng dekada 70 yata ito?” saad ng nagbahagi ng litrato na si Tom Caronongan.

Sa comments section, ibinahagi niya na bagama’t hindi niya tiyak kung kailan nagsimula ang paggamit nito ay ito na ang kinagisnan niya sa kanilang bahay simula nang magkamalay.

“Kinagisnan ko iyan 1970s pa pero until now ‘yan pa rin iyong naririto. Ginawa namin lalagyan ng old books,” wika pa niya.

Ngunit ayon sa admin ng group na si Luis Reambonanza, “Hindi ito 1970s. This was brought to the Philippines in 1942 as utilities by the US Army in preparation for WWII. Mayroon ako nito sa bahay na ang nakatatak ay US ARMY 1941.”

Gayunman, labas sa kung kailan talaga ito nauso sa bansa, mas nakikita ito ng mga group member bilang isang simbolo mula sa nakaraan. At siyempre, kasabay ng paggunita nila sa mga alaalang dala ng mismong gamit na ito, binalikan din nila ang iconic Sesame Street character na si Oscar.

Image via Oscar the Grouch | Facebook

Nostalgic nga naman, kahit pa simpleng basurahan lamang!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: