Balik-tanaw: Sweet Honesty ng Avon, ang ‘pambansang pabango ng mga kababaihan’ noon

  • Isa ang Sweet Honesty sa mga pinakapopular na pabango sa mga kababaihan noon
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ini-upload ng isa sa mga miyembro ang  litrato ng Sweet Honesty
  • Binalikan ng social media users ang “pambansang pabango” ng mga ngayon ay tita, nanay, o maaaring lola na

Kabilang ka ba sa mga nahilig gumamit ng kilalang pabango noon na Sweet Honesty? O natatandaan mo ba ang pabangong ito dahil madalas mo itong nakikitang ginagamit ng mga nakatatanda sa iyo?

Image captured from Facebook

Isa ang Sweet Honesty sa mga pinakapopular na pabango sa mga kababaihan noon. Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ini-upload ng isa sa mga miyembro na si Miles R. Cruz ang  litrato ng pabango na unang inilabas ng Avon noong 1973.

“Natatandaan n’yo pa ba ang pabangong ito? Dekada 80 ito sumikat (at kilala pa rin hanggang ngayon). Panahon ito nina nanay, ate, tita, at maging ni lola. Pabangong humahalimuyak,” saad niya sa caption ng litratong kanyang ibinahagi sa grupo.

Dito ay binalikan ng maraming social media users ang “pambansang pabango” ng mga tita, nanay, o maaaring lola na ngayon. Anila, hanggang ngayon daw ay tanda pa nila ang hitsura at amoy nito. Mayroon din daw mga gumagamit pa rin nito hanggang ngayon.

“Ito ang gamit kong pabango dati, tapos ang pulbos ko sa mukha ay Johnson’s baby powder,” wika ni Juliet Soriano.

“Bangong bango ako riyan!” kumento ni Clark Ian Requilman. Iyon ang scent na hindi ko malilimutan dahil iyan ang paborito kong amuyin sa damit ng mama ko. Tagal mawala ang bango.”

“Pabango ni Inay simula’t simula, hanggang sa siya’y namayapa na. Her one and only favorite perfume,” pag-aalaala ni Lenam Toraleza Mii.

“Until now, that’s my favorite. Kapag umuuwi ako ng Pinas, bumibili ako niyan or nagpapabili ako lalo na kapag sale,” ani Mamita Dalinz.

Image captured from Facebook

Tunay ngang maraming alaala ang nakakabit sa popular na pabangong ito, mga gunitang hindi mawawala kahit marami nang nagsulputang mga bagong produkto.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: