Balik-tanaw: Minsan mo rin bang binaon sa eskwela ang old school na Sunkist tetra pack?

  • Madalas baunin ng mga bata sa paaralan noon ang old school Sunkist tetra pack
  • Bukod sa masarap ang inuming ito, kinaaaliwan din ng mga estudyante ang hugis ng lalagyan nito
  • Sa social media, madalas balikan ng netizens ang mga panahong ito — ang kumukumpleto sa lunch box na dinadala nila sa paaralan

Natatandaan mo pa ba ang mga binabaon mo sa eskwelahan noong bata ka? May mga pagkain o inumin din ba na madalas mong hinihiling dati sa iyong ina o kung sinumang naghahanda ng lunch box mo?

Image captured from Facebook

Kabilang sa mga madalas baunin ng mga bata sa paaralan noon ang old school Sunkist tetra pack. Bukod sa masarap ang inuming ito, kinaaaliwan din ng mga estudyante ang hugis ng lalagyan nito.

Sa social media, madalas balikan ng netizens ang mga panahong ito ang kumukumpleto sa lunch box na dinadala nila sa paaralan. Dito ay ibinabahagi nila ang mga alaalang kakabit na ng nasabing inumin, at kung gaano nila kagusto na magkaroon muli ng Sunkist juice na sa ganitong packaging nakalagay.

“Loved this container, this is much cooler,” wika ng Facebook user na si Roberto Gomez.

“Sarap niyan with my fave pianono from the bakery sa kanto!” pagbabahagi ni Jennifer Molina Villafuerte.

“Paborito ko iyan! Palagi kong baon iyan noong elementary ako,” pagbabalik-tanaw ni RichardLorna Cabral Francisco.

Samantala, mayroon din nabahagi ng teknik sa pag-inom ng juice na nasa ganitong lalagyan. Ani Arnel Samson, “You have to drink it upside down para maubos ang laman.”

Wika naman ng iba, “sikat” ka na raw noon sa klase kapag ganito ang baon mong inumin. May mga nagkuwento pa na hindi sila kailanman nakatikim nito dahil masyadong mahal ang halaga nito, o kaya naman kapag Christmas party lamang nakakatikim.

Image captured from Facebook

Ikaw, inabutan mo rin ba ang old school na Sunkist tetra pack? Ano-ano ang mga alaalang ibinabalik sa iyo ng packaging na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: