Balik-tanaw: Artex Fine Water Colors, ang art material na nagbigay-kulay sa kabataan ng marami

  • Kabilang ang Artex Fine Water Colors sa mga art material na nagbigay-kulay sa kabataan ng maraming Pilipino noon
  • Sa paaralan man o sa bahay, ang brand na ito ang madalas gamitin ng mga bata sa paggawa ng kanilang mga unang obra
  • Sa social media, paminsan-minsan ay binabalikan pa rin ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit na ng nasabing art material

Isa ka rin ba sa mga batang gumamit noon ng Artex Fine Water Colors?

Image captured from Facebook

Kabilang ang Artex Fine Water Colors sa mga art material na nagbigay-kulay sa kabataan ng maraming Pilipino noon. Sa paaralan man o sa bahay, hindi maikakaila na ang brand na ito ang madalas gamitin ng mga bata sa paggawa ng kanilang mga unang obra.

Sa social media, paminsan-minsan ay binabalikan pa rin ng mga “young once” ang mga alaalang kakabit na ng nasabing art material.

“Ang watercolor ng batang 90s. Kailangan noon na may ganito tayo para sa subject na Arts. Pagdating naman sa bahay ay ginagamit pa rin natin ito,” pagbabalik-tanaw ng admin ng page na Batang 80s Laking 90s.

“Naalala ko pa noon, na kumukuha ako ng paper pad at magpipinta ako ng paboritong kong cartoon or comic character na sikat noon. Ginagawa rin ito na makeup kit noon ng mga batang babae. Kapag ginagamit ito kailangan ay sakto lang ang dami ng tubig kung hindi ay magsasama-sama ang mga kulay nito kapag nabasa,” dagdag pa niya.

“Iyan ang gamit ko noong kinder to elementary. Lagi natatanggal sa lalagyan o ‘di kaya naghahalo ang mga kulay niyan,” pag-aalaala naman ng social media user na si Linette Valdevieso.

“Yeah, I also used that during my elementary days. Good to see it again,” kumento naman ni Mark Joseph.

Image captured from Facebook

Ikaw, gumagamit ka rin ba nito noong bata ka?


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: