‘Bahay kubo-inspired’ bag na dinisenyo ng isang estudyante, patok ngayon sa mga netizens

  • Patok ngayon sa mga netizens ang ‘bahay kubo-inspired’ bag na dinisenyo ng isang Industrial Design student sa UP
  • Litaw na litaw kasi ang pagiging ‘Pinoy’ ng produkto lalo na’t gawa ito sa faux leather at natural bamboo
  • Ayon sa naturang estudyante, nagbebenta rin siya ng bag para makalikom ng pondo para sa kanyang susunod na plate

Likas na sa mga Pinoy ang pagiging malikhain. Kung tutuusin nga, isa ito sa mga bagay na ipinagmamalaki natin sa buong mundo. Mula kasi sa pagdidisenyo ng mga world-class gowns hanggang sa pagpipinta ng iba’t ibang obra maestra, tiyak na hindi mawawalan ng mga Pinoy na maipagmamalaki sa larangan ng sining.

Imahe mula sa Twitter | @RonanV03

Dahil dito, hindi na tuloy nakapagtataka kung bakit mas nais nating tumangkilik ng gawang Pinoy. Bukod kasi sa ganda ng mga produkto natin, sigurado ring matibay at may kalidad ang mga ito. Halimbawa na lamang ang ‘bahay kubo-inspired’ bag na kasalukuyang pinag-uusapan ng mga netizens sa social media.

Hango sa materyales na faux leather at natural bamboo, ang bag na ito ay dinisenyo ng Industrial Design student na si Ronan Villanueva.

“Why a backpack? Because a bahay kubo is originally transferred from point A to point B by carrying it on their shoulders. It shows the essence of bayanihan. So it looks and feels like a bahay kubo and you carry it on your shoulder,” pahayag ni Ronan sa isang article ng When In Manila.

Bilang mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), ginamit din ni Ronan ang kanyang diskarte at talino para sa ikabubuti ng kanyang pag-aaral. Aniya niya kasi, ang malilikom niyang pera sa pagbebenta ay gagamitin niya para sa susunod niyang plate.

Imahe mula sa Twitter | @RonanV03

Ilan din namang netizens ang nagpakita ng interes sa naturang bag.

OMG this bag looks really nice!” komento ni Justin Kiness sa isang tweet.

“Such an awesome idea,” sabi naman ni iSammy Stone.

Bukod pa rito, nakagawa na rin ng iba pang disenyo si Ronan kagaya ng clutch at messenger bag na hango rin sa local textiles. Mayroon din siyang iba pang produkto gaya ng bluetooth speaker, phone stand, at lampara.

Para sa mga interesadong bumili, maaari niyong padalhan ng mensahe si Ronan sa pamamagitan ng kanyang Twitter o Facebook account.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: