ALAMIN: Mga dahilan ng pagiging oily ng mukha at kung paano ito maiiwasan

  • Sa init ng panahon ngayon, maraming Pinoy ang nagrereklamo sa pagiging oily ng skin na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng taghiyawat
  • Bukod sa panahon, marami pang ibang dahilan kung bakit nagiging oily ang ating mga balat sa katawan lalo na sa mukha
  • Ito ang paksa na pinag-usapan sa isang programa kung saan ay nagbigay ng payo ang isang eksperto kung paano maiiwasan ang oily skin

Puwede na bang pagprituhan ang iyong mukha sa sobrang oily nito? Dumarami ba ang iyong mga taghiyawat sa mukha dahil na rin sa init at oily skin? Ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng oily skin at paano ito maiiwasan?

Imahe mula sa GMA Public Affairs via YouTube channel

Sa programang Pinoy MD ng GMA Network, pinag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng oily skin. Dahil sa init ng panahon ngayon, maraming Pinoy ang problema ang pagiging oily ng mukha pati na rin ng katawan.

Ang pagkakaroon ng oily skin ay kadalasang pinagmumulan din ng pagdami ng taghiyawat sa mukha. At ayon sa resident dermatologist ng programang  Pinoy MD, hindi lang ang init ng panahon ang dahilan ng pagkakaroon ng oily skin.

Ayon sa dermatologist, hindi tuluyang maiiwasan ang pagkakaroon ng oily skin, ngunit puwede naman itong ma-kontrol. Dahil ang pagkakaroon ng oily na skin ay maaaring dahil sa genetics, pagkakaroon ng hormonal changes, dahil sa pagpupuyat, o sobrang pag-aalala.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via YouTube channel

Upang mabawasan ang pagka-oily ng mukha, maaari umanong gumamit ng mga produktong mayroong mga kemikal na tumutulong sa pagkontrol ng oily skin.

Importante rin na hindi gaanong malakas ang epekto ng mga produktong ating ginagamit sa ating mukha o katawan at huwag ding kung ano-anong mga produkto ang ipapahid.

Kung malakas umano ang produktong gagamitin sa mukha ay maaaring maging dahilan pa ito ng paglala ng pagiging oily ng balat. Ugaliin din umano na palaging maghilamos ngunit tiyakin na hindi masosobrahan ang pagdiin sa mukha kapag naghihilamos.

At para sa matagal na at malalalang kaso ng oily skin, mas mainam kung magpatingin at magpakonsulta na umano sa mga espesyalista upang malaman ang pinakamabisang paraan para maalagaan nang tama ang ating kutis sa mukha.


Loading...
Source :

YouTube, GMA News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: