Throwback photo ng Gonzaga sisters kasama ang kanilang mga pinsan, kinaaliwan

  • Kinaaliwan ng social media users ang throwback photo ng magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga, at ng kanilang mga pinsan
  • Sa Instagram, ini-upload ni Alex ang litrato nilang magpipinsan kung saan makikita ang simple ngunit masaya nilang kabataan
  • As of posting, nakakuha na ng lampas 233,000 favorites ang larawan

Isa sa mga paboritong celebrity siblings sa bansa ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga–kaya naman hindi nakapagtataka kung marami ang natuwa nang mabigyan sila ng pagkakataong masilip ang isang bahagi ng kabataan ng dalawa.

Image via Alex Gonzaga | Instagram

Sa Instagram, ini-upload ni Alex ang litrato nilang magpipinsan kung saan kitang-kita ang simple ngunit masaya nilang pagkabata.

“‘Cousins’, sila ang lagi mong kasama sa dugyuting pictures mo. P.S. Nag-look away pa ako, akala ko ikinalalim at ikinaganda ko iyon. At ang Ate may absent sa ipin,” saad niya sa caption ng larawang ibinahagi niya sa popular photo sharing app.

Kinaaliwan at kinagiliwan ng Instagram users ang litrato. May mga nagkamali rin daw sa unang tingin at inisip na hindi si Toni ang batang may sira ang ngipin kung hindi si Alex.

“Miss Alex, I know cute at maganda ka ngayon pero mas cute ka pala noon,” saad ng social media user na si @vhenes_villa.

“Hina-hanap ko kung nasaan ang ate mo kasi akala ko ikaw iyong may absent na ngipin,” sabi ni @zel_morre.

“Bata pa lang talaga makikita nang mag-aartista ka pagdating ng araw. Haha! May pa-emote pa, e. Haha! @cathygonzaga,  how to be you, ate? Love you!” wika naman ni @agflorence10.

Samantala, hiniling naman ng iba kay Alex na sana ay yayain nito ang kanyang kapatid at mga pinsan na i-recreate ang imahe. Sa tingin daw nila, magiging maganda kung magkakaroon ito ng “then and now” version ngayong malalaki na sila.

As of posting, nakakuha na ng lampas 233,000 favorites ang post ni Alex.

Image captured from Instagram

Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: