
- Kilala na ang Philippine-based Syrian vlogger na si Basel Manadil dahil sa kaniyang mga tulong sa mga kapus-palad na mga Pinoy
- Nang magkaroon ng pandemic dulot ng COVID-19, dumoble pa ang mga tulong na ibinibigay ng nasabing vlogger
- Kamakailan, namigay muli siya ng donasyon, at sa pagkakataong ito ay mga sariwang gulay naman ang kaniyang ipinamahagi
Sa isa nanamang taos-pusong vlog, ibinahagi ng The Hungry Syrian Wanderer na si Basel Manadil ang kaniyang inihandang donasyon para sa mga Pinoy sa gitna ng enhanced community quarantine.

Kilala na noon pa ang Philippine-based Syrian vlogger na si Basel sa kaniyang trending videos sa pagtulong sa mga kapus-palad na Pinoy. At noong nagka-lockdown at dumami ang mga naghirap, hindi nag atubili si Basel na maghatid ng mga donasyon at tulong.
Kamakailan, dumagdag sa mga tulong na inihatid ni Basel sa mga Pinoy ay ang pamimigay niya ng mga gulay. Sa kaniyang vlog, sinabi niya na tigil muna siya sa pamimigay ng de lata at naisip na mga masusustansyang gulay naman ang ipamigay.

Nilagyan niya ng title ang vlog niya ito na: Buying TONS of VEGETABLES to Give Away to Filipinos During LOCKDOWN.
Makikita sa vlog ang marami at samu’t saring gulay na sariwa pang binili sa Baguio.
Ang mga gulay na kaniyang ipinamigay ay puso ng saging, kangkong, pechay, kamatis, sayote, talong, broccoli, ampalaya, at iba pa. Ang mga gulay na ito ay kaniyang ini-repack at nilagay sa mga gamit nang karton ng juice.
Ang bawat karton ay nilagyan niya ng tig-iisang uri ng gulay na kaniyang binili. Ani Basel, pinili naman niyang mamigay ng gulay dahil sa panahon ngayon, kailangan din nating kumain ng masusustansya upang iwas sakit.

Sa paglalagay ng mga gulay sa karton, tiniyak din ng vlogger na maingat at malinis ang kaniyang pagre-repack. Nagsuot siya ng gloves at facemask at nag-disinfect ng kaniyang garahe kung saan niya ginawa ang repacking.
Ang mga nirepack na gulay ay kaniyang ipinamahagi sa iba’t ibang lugar. Ang nasabing vlog ay mayroon pang part 2 at dito ipapakita kung saang mga lugar ibinigay ni Basel ang mga gulay. “Simpleng kontribusyon ko po sa mga Pilipino na aking tinuturing na Kababayan #BringingBackBayanihan,” ani pa ng Syrian vlogger.