San Miguel Corporation, mamimigay ng high-capacity COVID-19 machines at test kits

  • Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) na magdo-donate sila ng mga machine at test kits upang mas bumilis ang pagkuha ng resulta kung positibo o hindi sa COVID-19
  • Katuwang ang Department of Health, ang mga machine at test kits na ito ay ipamimigay sa mga hospital na lubos itong kailangan
  • Binayaran din ng SMC ang buong sweldo ng kanilang mga empleyado sa gitna ng lockdown

Bukod sa mga grupo at personalidad, iba’t ibang kompanya rin dito sa Pilipinas ang naghatid na ng tulong para sa mga Pinoy na lubos na naghihirap dahil sa ipinaiiral na enhanced community quarantine.

Imahe mula sa San Miguel Corporation via Facebook

Isa ang kompanyang San Miguel Corporation sa mga tinitingalang organisasyon ngayon dahil na rin sa laki ng ambag nila sa pagtulong sa mga nangangailangan at pagpapabuti sa pag-test sa mga pasyente kung positibo o hindi sa COVID-19.

Kamakailan, inanunsyo ng SMC na magdo-donate sila ng testing machines at test kits sa mga sangay ng gobyerno na lubos na nangangailangan nito. Katulong nila sa pamamahagi ng mga machines at test kits na ito ang Department of Health (DOH).

Limang set ng real-time polymerase chain reaction (RT-PCR) machines at high-throughput automated RNA extraction systems kabilang na rin ang libo-libong testing kits ang ipapamahagi ng SMC sa mga government centers kabilang na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Imahe mula sa San Miguel Corporation via Facebook

Ang mga machine na ito ay kayang makapagtala ng mahigit 11,000 tests kada araw. Malaking tulong din umano ito sa mga laboratoryo upang mapabilis ang testing at ang pagkuha ng resulta, at isa pa, hindi umano ito nangangailangan ng maraming “human intervention.”

Bukod sa mga machines, karagdagang 20,000 testing kits din ang ibibigay na donasyon ng SMC na ipapamahagi naman ng DOH sa iba’t ibang hospital kabilang na ang San Lazaro Hospital, Vicente Sotto Medical Center sa Cebu at Southern Philippines Medical Center sa Davao.

Imahe mula sa San Miguel Corporation via Facebook

“We are one with the government in wanting to curb the spread of the virus, and with enough capacity to test a greater number of people, we are optimistic we will be able to gradually and safely restart the economy,” ani SMC president at Chief Operating Officer (COO) Ramon S. Ang.

Matatandaan na sinabi rin ng SMC na sa gitna ng lockdown at walang trabaho, babayaran pa rin nila nang buo ang suweldo ng lahat ng kanilang empleyado.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: