Payo ni Neri: Gumawa tayo ng garden for sustainability at turuan ang ating mga anak na magtanim

  • Hinikayat ng actress-entrepreneur na si Neri Naig ang mga magulang na gumawa ng garden at turuan ang kanilang mga anak na magtanim
  • Sa isang Instagram post, sinabi ng aktres na hindi lamang sa panahong katulad nito makatutulong ang pagkakaroon ng sariling tanim ngunit maging sa mga normal na araw
  • Ipinakita kamakailan ni Neri sa isang vlog kung paano niya tinuturuan ang anak na si Miggy na magtanim

Sa panahon ng krisis na katulad nito, kabilang ang pagkain sa mga pangunahing pangangailangan ng tao–kaya naman malaking tulong kung mayroon kang sariling tanim, lalo na ngayong ipinatutupad ang enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Image captured from Instagram

Sa isang Instagram post, hinikayat ng actress-entrepreneur na si Neri Naig ang mga magulang na gumawa ng garden at turuan ang kanilang mga anak na magtanim. Wika pa ng aktres, hindi lamang sa panahong katulad nito makatutulong ang pagkakaroon ng sariling tanim ngunit maging sa mga normal na araw.

“Tumubo na iyong roots ng kamote na ibinabad ko at magtatanim ako ng melon mamayang hapon. Nag-melon juice kami noong isang araw at pinatuyo iyong mga buto. Itatanim ko iyong iba rito,” saad ng maybahay ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda. “H’wag itapon sa basurahan ang mga buto, itapon sa lupa para tumubo. Puwede rin sa mga paso o pinaglumaang container.”

“Gawa nga ako ng container garden para sabayan ko yung mga nakatira sa condo o sa syudad. Game? Gawa siguro ako ng vlog about it. Matrabaho lang hehe! Pero sige, game! Hanap lang ako ng mga lumang container dito sa kusina o sa laundry. Tara, gawa tayo ng garden for sustainability! At turuan natin ang mga anak natin na magtanim para talagang may aanihin hindi lang sa mga panahon na ganito. Makatitipid ka talaga panghabambuhay,” pagpapatuloy niya.

Matatandaang ipinakita kamakailan ni Neri sa isang vlog kung paano niya tinuturuan ang kanilang anak na si Miggy na magtanim at mag-ani.

Images captured from Neri Miranda’s video | YouTube

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: