Nakapagtanim ka na ba? Alamin ang mga gulay na madaling itanim at mabilis anihin

  • Dahil sa lockdown at limitado lamang ang paglabas ng mga tao sa pamilihan upang bumili ng mga pagkain, mayroong payo ang pamahalaan
  • Maaari umanong magtanim ng mga gulay sa bakuran ng bahay habang quarantine bilang kapalit ng mga pagkain tulad ng de lata
  • Sa isang FB post, ibinahagi kung aling mga gulay ang madali at mabilis na itanim at anihin

Sa kasalukuyang enhanced community quarantine, limitado lamang ang pagkakataon ng mga Pinoy na lumabas upang mamili ng pagkain sa mga supermarket o pamilihan.

Imahe mula Freepik

Bukod sa minsan lang ang paglabas, sobrang haba rin ng pila bago pumasok sa supermarket dahil sa isinasagawang social distancing. Kaya naman inaabot ang mga Pinoy ng dalawa hanggang apat na oras sa pagpunta lang sa grocery.

Isa sa mga naisip ng pamahalaan na alternatibong paraan upang magkaroon ng supply ng pagkain ang mga Pinoy ay pagtatanim ng mga gulay sa kanilang bakuran o paso. Bukod sa hindi naman gagastos nANg malaki, masustansya pa ang mga gulay na nagpapalakas ng resistensya ng ating katawan.

Imahe mula sa ATI Region 2 via Facebook

Sa Facebook post ng page na ATI Region 2, ibinahagi nila kung ano-anong gulay ang madaling itanim at anihin. Bukod sa listahan ng mga gulay, inilagay din nila kung ilang araw aabutin ang pagtatanim hanggang sa pag-ani at gabay para sa pagtatanim na maaaring i-download.

Ang mga kabilang umano sa “fast crops” ay ang mga gulay na kangkong, talbos ng kamote, alugbati, letsugas, pechay, dahon ng sibuyas, labanos,  at kulitis.

Imahe mula Freepik

Mayroong caption ang post na: FAST CROPS: Madaling Itanim, mabilis anihin. Habang tayo ay naka #StayAtHome maaari tayong magtanim ng mga fast crops gaya ng pechay, kangkong, kulitis, kamote at iba pa.

Sa ngayon, marami nang munisipyo o siyudad sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang libreng nagbabahagi ng mga seed at seedlings ng gulay sa kanilang mga residente upang itanim sa kanilang bakuran. Maganda namang aktibidad ito sa maraming Pinoy na marami ngayong oras magtanim at maging malusog.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: