Nakaaaliw na graduation ceremony sa Japan, bumida online

  • Kinansela ang mga klase sa lahat ng paaralan at unibersidad dito sa bansa dulot na rin ng community quarantine
  • Dahil dito suspendido rin ang mga school events lalo na ang graduation ceremony na karaniwang ipinagdiriwang tuwing Marso o Abril
  • Ngunit sa Japan, gumamit sila ng mga robot na may mukha ng mga estudyante upang matuloy ang graduation ceremony

Bago pa man nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng community quarantine noong nakaraang buwan, nagkansela na ng klase sa buong paaralan at unibersidad sa Metro Manila, at sinundan na rin sa buong bansa.

Imahe mula Freepik

Dahil dito, naudlot din ang ilang pagsusulit ng mga estudyante at kanilang graduation at moving up ceremony. Ngunit sa bansang Japan, hindi naman sila nagpatinag sa pandemic dahil isang unibersidad ang naipagpatuloy pa rin ang pagtatapos ng mga estudyante.

Ito’y nagawa ng isang unibersidad sa pamamagitan ng teknolohiya. Ayon sa mga ulat, matagumpay na nagawa ng BBT (Business Breakthrough) University sa Tokyo, Japana ang graduation ceremony na ‘dinaluhan’ ng mga mag-aaral mula sa kani-kanilang tahanan.

Imahe mula BBT University

Imbes na mga estudyante, mga robot ang dumalo sa nasabing seremonya habang ang ulo nila na gawa sa tablet computer ay may real-time video ng mga mukha ng estudyanteng magtatapos. Gumamit umano ang mga estudyante ng video -conferencing tool na “Zoom” upang malaman kung sila na ang tatawagin at kukuha ng diploma.

Ang mga robots na ginamit ay tinawag na “Newme,” isang uri ng mobile robots na kayang tumanggap ng Zoom call. Ang mga robot ang nagmistulang mga “avatar” ng estudyante na umakyat sa stage at tumanggap ng diploma. Ang nasabing graduation ceremony ay ginawa sa Hotel Grand Palace sa Tokyo.

Imahe mula BBT University

Para din maipatupad ang social distancing, apat na estudyante at kaunting school administrators ng BBT lamang ang pisikal na dumalo sa seremonya. Upang mas maramdaman naman ang graduation, ang mga Newme robot ay nakasuot din ng toga.

Marami namang netizens ang humanga sa naisip na ito ng unibersidad: “Congratulations to the graduates your 100% safe,” “Despite the threat of the COVID-19 Pandemic forcing schools to cancel a milestone like this, Japan are fortunate enough for living in high tech locality.”

Iba talaga kapag advance sa teknolohiya ano!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: