
- Namamahagi ng agricultural food products ang isang munisipalidad sa Romblon
- Sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at ng Opisina ng Agrikultura, nakatatanggap din ng mga lokal na produkto ang mga residente
- Bukod sa pagtitiyak na masustansya ang kakainin ng mga mamamayan, layunin din nila na siguraduhing hindi mawawalan ng kabu
hayan ang mga producer sa kanilang lugar
Bukod sa tipikal na relief goods, namamahagi rin ng agricultural food products sa mga residente ng isang munisipalidad sa Romblon.

Sa pangunguna ni Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at ng Municipal Agriculture Office ng Odiongan, mga lokal na produkto–katulad ng prutas, gulay, at isda–ang inihahanda at ipinamimigay sa mga mamamayan.
“Bilang dagdag sa mga relief good na ating ibinibigay ay maghahandog din ang ating pamahalaan ng mga agricultural food products (mga gulay at prutas) sa ating mga mamamayan. Ang nakikita po natin ay ang actual packing at sorting ng mga agricultural products sa pangunguna ng ating Mayor Trina Firmalo-Fabic kasama ang Opisina ng Agrikultura na siyang in-charge sa pamimili at pag-sort ng mga produkto,” saad sa caption ng mga larawang ibinahagi ng Municipal Agriculture’s Office-Odiongan, Romblon sa Facebook.
Kasabay ng pagtitiyak na masustansya pa rin ang kakainin ng mga mamamayan sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19, layunin din ng mga namumuno na siguraduhing hindi mawawalan ng ikinabubuhay ang mga producer sa kanilang lugar.
“Ito po ay additional na tulong ng munisipyo sa mga mamamayan, at mga producer na rin para tuloy-tuloy ang kanilang kabuhayan at ang kita ay kapakinabangan pa rin ng kapwa Odionganon dahil ang kukunsumo rin ay Odionganon,” wika pa nito.

Naibahagi sa ilang Facebook pages ang tungkol sa agricultural products na ipinamimigay ng munisipyo. Puring-puri ng social media users ang mga nasa likod nito.