Mga haligi ng tahanan dapat ding pasalamatan ngayong quarantine kahit na mali-mali ang nabibili

  • Malaki ang ginagampanang papel ni mister ngayong quarantine
  • Hindi man siya sanay, kakayanin niyang magawa nang tama ang pamamalengke o paggo-grocery sa abot ng kanyang makakaya
  • Isang pagbibigay pugay ang ibinahagi ng isang netizen

Kung may frontliner na humaharap sa mga pasyente sa ospital, may mga bida rin tayong frontliner sa bahay. At sila ang mga magigiting na haligi ng tahanan; ang ama ng pamilya.

Imahe via Pixabay

Ngayong may quarantine, hindi lahat ay maaaring lumabas. Mahigpit ang panawagan sa atin na manatili sa bahay upang hindi kumalat ang COVID-19. Kung may lalabas man, sa bisa ng home quarantine pass, iisa lang ang puwede. At karamihan sa mga pamilya ito ay walang iba kundi ang mga mister at ama — oo, ang mga haligi ng tahanan.

Sila na ngayon ang TAGA. Oo taga-bili, taga-hakot, at taga-labas habang ang mga misis naman ang mas nananatili sa bahay upang asikasuhin ang mga gawain at mga anak. Kaya naman ang pamamalengke kung saan si misis ang karaniwang gumagawa, napupunta na ngayon kay mister.

Imahe via Bhii Artwoks | Facebook

Ngunit sa pamamalengke at paggo-gocery, tiyak hindi puwedeng walang listahan na dala si mister kung ayaw mong umuwi siyang may kulang o mali-mali ang nabili. Kaya ang iba’y naghahanap ng paraan paano mas mapadadali ang pagbili ni mister. May gumawa ng kodigo kung saan nandoon ang imahe ng lahat ng bibilhin. Mayroon namang parang may call center kung saan tumatawag si mister habang nasa grocery.

Mahirap iyon para sa isang lalakeng hindi sanay ngunit pilit nilang gagampanan para sa ating kaligtasan. Kaya naman nagbigay pugay ang isang netizen na si Raymond Cutaran.  Sa kanyang Facebook post, may larawan ng isang mister na namimili sa palengke at nagpahiwatig siya ng panawagan para rito.

“Ngayong quarantine, pasalamatan din natin ang mga mister na lumalabas upang mag-grocery kahit mali-mali ang nabibili. Hahaha!”

Imahe via Raymond Cutaran | Facebook

Oo nga naman. Di bale nang hindi perpekto basta’t sumusubok. Nagbigay naman ng reaksyon ang mga netizens.

“Thank you Papa Mhel sa pag-grocery for us. Proud wife here since lahat ng nasa grocery list ko that you bought were right. Good job hub!”

“Yung may listahan na pero kulang at mali pa din. Thanks sa asawa ko sa mga efforts niya sa pamamalengke.”

Kaya maraming salamat sa mga bayani natin sa tahanan —- ang mga mister, partner o kuya na sumasabak sa pamamalengke. Hindi makukumpleto ang luto ni nanay kundi dahil sa inyong effort. LOL


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: