‘May YM ka?’ Mga alaalang kakabit ng Yahoo Messenger binalikan

  • Bago pa nauso ang iba’t ibang klase ng chat at messaging apps, una munang nakuha ng Yahoo Messenger (YM) ang atensyon at puso ng maraming Pilipino
  • Noong Hulyo 17, 2018 ay tuluyan nang namaalan ang messaging app na ito na minahal ng mga Pinoy sa loob ng ilang taon
  • Gayunman, madalas pa rin itong balikan ng mga “young once” sa social media

Bago pa nauso ang iba’t ibang klase ng chat at messaging apps, una munang nakuha ng Yahoo Messenger (YM) ang atensyon at puso ng maraming Pilipino na noon ay nagsisimula pa lamang din magkahilig sa paggamit ng internet.

Image captured from Yahoo Messenger

Gayunman, noong Hulyo 17, 2018 ay tuluyan nang namaalan ang messaging app na minahal ng mga Pinoy sa loob ng ilang taon.

“Support for Yahoo Messenger ended on July 17, 2018. The service and access to chat history are no longer available,” saad ng YM sa statement na nasa website nito. “We know there are many loyal fans who used Yahoo Messenger since its beginning as one of the first chat apps of its kind. As the communications landscape continues to change, we’re focused on building and introducing new, exciting communications tools that better fit consumer needs.”

Pero dahil nga napalapit na ito sa puso at naging kanlungan ng napakaraming gunita, hanggang ngayon ay inaalala pa rin ito ng mga minsang nahilig sa paggamit nito.

Sa Facebook group na We Are 90s (Kami Ang Batang 90s), binalikan kamakailan ng mga “young once” ang mga panahong naging libangan nila ang Yahoo Messenger. Sa comments section ng post na nakakuha na ng libo-libong shares at reactions, bawat isa ay  mayroong nakaaaliw na istorya.

May mga parang naglaro lang at puro nakakatawang mga bagay ang ikinuwento. May mga nakahanap ng kausap noong kailangan nila ito. May mga nakahanap din ng mga kaibigan na ang iba ay nasa buhay pa rin nila hanggang ngayon. Mayroon din naman daw nakatagpo ng pag-ibig: may nagtagal at mayroon ding hindi.

Image captured from Facebook

Bagama’t tapos na ang makukulay na sandali ng YM, hindi maikakaila na bahagi na ito ng kuwento ng napakaraming tao sa buong mundo. Sa huli, hindi na mahalaga kung nauwi rin ang lahat sa katapusan. Ang mahalaga ay mga araw–at kuwento–na minsan nitong binuo. Mananatili pa rin ang mga alaala kahit wala na ito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: