
- Naantig ang pu
so ng Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros sa isinulat ng kanyang anak na si Mela sa diary nito - Sa Instagram, ibinahagi ng actress-host ang pahina ng diary ni Mela kung saan sinabi nito na masaya siya dahil kasama niya ang kanyang ina
- Wika ni Melai, napaiyak siya nang mabasa ang diary entry na ito na isinulat ng kanyang panganay na anak
Dahil sa pagiging abala sa trabaho, may mga panahong hindi na nakakasama ng mga nasa showbiz industry ang kanilang pamilya. Isa ang Magandang Buhay host na si Melai Cantiveros sa mga television personality na ito.

Kaya naman naantig ang puso niya nang mabasa ang isinulat ng kanyang anak na si Mela sa diary nito. Sa Instagram, ibinahagi ng actress-host ang pahina ng diary ni Mela kung saan sinabi nito na masaya siya dahil kasama niya ang kanyang ina. Wika ni Melai, napaiyak siya nang mabasa ang diary entry na ito na isinulat ng kanyang panganay na anak sa mister na si Jason Francisco.
“I am crying today kasi nakita ko ito habang naglilinis. Napaka-emo ko naman. OA lang kasi iba talaga kapag lagi ka nila kasama kasi best days of their life tlaga,” saad niya sa caption ng litrato na kanyang ini-upload. Sa larawan, makikita ang pahina ng talaarawan kung saan nakasulat na, “I am happy today because my mama is here.”
“Kaya pala ngayon, kahit mag-CR lang ako ay humahabol kaagad kayo, @atemelafrancisco at @stelarosalind,” sabi ni Melai na kabilang sa mga sumasailalim ngayon sa enhanced community quarantine na ipinatutupad sa Luzon.
Aniya, labis siyang napasaya ng kanyang nabasa sapagkat mahal na mahal niya ang mga anak nila ni Jason.
“Si Ate Mela, bata ka pa may pa-diary-diary ka na, ha. Siguraduhin mo lang, Ate, na maitatago mo kasi ito nabasa ko na ito, Ate, and it made me happy. I love you, mga mahal ko na mga lablab,” wika niya.
