Hanggang saan aabot ang pagiging bored mo? Netizen gumawa ng “blue” kwek kwek

  • Nauuso ngayon online ang pagbabahagi ng mga netizens ng kanilang pinagkakaabalahan habang namamalagi sa bahay dulot ng enhanced community quarantine
  • Sa ibinahagi ng isang netizen, nagluto siya ng isa sa mga paboritong merienda ng mga Pinoy, ang kwek kwek
  • Ngunit hindi ang tradisyunal na kulay kahel ang kwek kwek na ito, kundi kulay asul na kinaaliwan ng marami online

Naikot mo na ba ang loob ng inyong tahanan? May nadiskubre ka bang bago sa inyong bahay? Masasabi mo na bang sobrang “close” na kayo ng mga kasama mo sa bahay dahil sa tagal na magkakasama kayo sa loob?

Imahe mula kay Casey Martinez via Facebook

Sa ikatlong linggo matapos ipatupad ang enhanced community quarantine, mas lalong humigpit ang pagbabawal sa mga tao na lumabas sa bahay kung wala namang importanteng gagawin o pupuntahan.

Kaya naman upang mabawasan ang pagkainip sa loob ng bahay ay kung ano-anong bagay na lang ang pinagkakaabalahan ng mga Pinoy. Ang mga ito ay kanilang ibinabahagi online at ang iba ay nagiging viral pa.

Tulad ng isang post na kamakailan ay ibinahagi sa Facebook at ngayon ay trending dahil sa nakakatawa nitong konsepto, kakaibang kwek kwek ang niluto ng isang netizen.

Imahe mula kay Casey Martinez via Facebook

Sa post ni Casey Martinez, ibinahagi niya kung paano niya ginawa at niluto ang pagkaing kwek kwek. Ngunit ‘di tulad ng tradisyunal na kulay ng kwek kwek na kahel, ang kulay nito ay asul.

Nilagyan ito ni Casey ng caption na: BORED KA BA? Tara ibahin natin ang kulay ng kwek-kwek (laughing emoji). Ang post na ito ay nakatanggap na ng mahigit 20,000 reactions, 16,000 comments, at 41,000 shares.

Imahe mula kay Casey Martinez via Facebook

Bukod sa nakakatuwang hitsura ng asul na kwek kwek, ibinahagi din ni Casey kung paano niya ginawa ang tinawag niyang “simpleng merienda” na ito. Nilagay niya sa bawat litrato sa post ang mga sangkap na ginamit at mga hakbang kung paano ito gawin.

Marami namang netizen ang natuwa sa mga “blue kwek kwek” at tinawag itong “blueberry egg waffles,” “prinitong Smurfs,” “ube,” at “kulay ng dugo ni joker.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: