Grab food rider na nagkaroon ng bogus buyer, ibinigay sa mga frontliners ang pagkain

  • Nabogus ang isang Grab Food rider at bibilhin na lang sana ng kanyang pinagtanungan ang dala niyang orders
  • Ngunit sa ‘di inaasahan, ibibigay nito nang libre sa pinagtanungang frontliners ang mga pagkain
  • Dahil sa kanyang kabutihan,  nasuklian siya ng tulong ng mga frontliners

Sa kabila ng panawagan ng mga concerned citizens na maging responsable sa pag-oorder ng pagkain gamit ang Grab Food , mayroon pa ring walang puso na nananamantala sa kanila.

Imahe via Jobert Quiambao | Facebook

Ngunit kahit na naranasan ito ng isang Grab Food rider, mas inisip nito ang makatulong sa iba imbes na magalit.

Ikinuwento ni Jobert Quiambao sa Facebook ang pangyayari. Lumapit daw sa kanya ang isang rider upang magtanong tungkol sa address ng hahatiran nito. Itinuro naman niya kung nasaan ito. Ngunit pagkatapos ng dalawang oras, bumalik ang rider at tila naghahanap pa rin. Hindi raw kilala sa tinukoy na address ang umorder ng pagkain. Hindi na rin sumasagot sa kanyang mga texts at tawag.

Imahe via Jobert Quiambao | Facebook

Pabirong tinanong ni Jobert kung ano ang inorder at siya na lang daw ang bibili. Apat na order pala ito ng manok mula sa Army Navy at may halagang P1,200 plus. Hindi  niya kayang bilhin lahat nang mag-isa kaya nilapitan niya ang mga kasamahan sa Southside Fire and Rescue team at sinabing, “Tara ambagan na lang tayo para tayo na lang bumili noong foods ni kuya. Puhunan niya kasi ‘yun eh. Kawawa naman. Bogus ‘yong buyer.”

Sumunod ang rider sa kanya at nagtanong, “Mga frontliners po ba kayo?” Umoo naman sila. “Sa inyo na lang po lahat ‘to. Dalawa lang naman kami ng asawa ko sa bahay eh,” sabi niya.

Nabigla sila at iginiit na babayaran nila ang mga pagkain. Ngunit tumanggi siya. “Sa inyo na po talaga yan! Saludo po ako sa mga frontliners tulad ninyo,” pahayag niya.

Dali-dali na siyang umalis. Hinabol siya nina Jobert at mga kasamahan upang iabot ang isang supot ng order para kahit papaano ay may pampasalubong  sa kanyang asawa.

Imahe via Jobert Quiambao | Facebook

Napilitan si rider na tanggapin ito ngunit kalahati lang daw ang kukunin niya.  At dahil sa kanyang kabutihan, inabutan siya ng relief goods para sa kanila ng asawa niya.

Ang rider ay nagngangalang Jose Muñoz.

Ayon kay Jobert, nakaaantig ang  ginawa ni kuya.  Sa katunayan, isa rin siyang frontliner. At sa kabila ng kanyang naranasan sa isang bogus buyer, naisipan niya pang i-donate ang mga pagkain sa kanila.

Kaya sa lahat ng riders na nagsisilbi sa bayan ngayong panahon ng COVID-10, saludo kami sa inyo!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: