Good vibes: 5 COVID-19 survivors, kinantahan ng ‘Umagang Kay Ganda’ sa isang ospital sa Manila

  • ‪Limang pasyente ng COVID-19 ang gumaling kamakailan sa isang ospital sa Maynila
  • Bago pauwiin, kinantahan muna sila ng mga health worker ng OPM song na Umagang Kay Ganda
  • Ikinatuwa ng maraming social media users ang video na ito; patunay lamang daw ito na bawat COVID-19 patient ay may pag-asang gumaling

Sa gitna ng mga nakalulungkot na pangyayaring bunsod ng COVID-19 crisis, nabuhayan ng loob ang marami nang makita ang video ng health workers at iba pang frontliners na masayang kinakantahan ang limang pasyenteng gumaling na mula sa nasabing sakit.

Image captured from Facebook

On Facebook, ini-upload ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang video kung saan makikita na bago pauwiin ay kinantahan muna ng OPM song na Umagang Kay Ganda ang mga dating may karamdaman na ngayon ay negatibo na sa kinatatakutang virus.

“Good news for today: Sta. Ana Hospital happily sends off five COVID-19 patients who turned negative! ‬‪Thank you, our dedicated healthcare workers. Thank you, Lord,” saad ng alkalde sa caption ng video.

Ikinatuwa ito ng maraming social media users sapagkat patunay lamang daw ito na katulad ng limang pinauwi na sa kani-kanilang tahanan, bawat pasyenteng may COVID-19 ay mayroon ding pag-asang gumaling. Pinasalamatan din nila ang mga health worker na patuloy na itinataya ang kanilang mga buhay para sa kaligtasan ng iba.

“Sarap sa pakiramdam makakita ng mga taong nag-negative na,” kumento ni Jacqueline Villanueva Muyon. “Sana po, Panginoon, magtuloy-tuloy na po ang paggaling ng mga nagkaroon ng virus at tuluyan N’yo na pong tanggalin ito sa buong mundo.”

“Another manifestation of God’s overflowing love and infinite mercy on us, His children. To all the health workers, thank you for extending God’s healing hands to your patients. God bless you all,” ani Gladys Echanes.

Image captured from Facebook

As of posting, 57 COVID-19 patients na ang gumaling mula sa buong bansa.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: