Construction worker, dasal na sana’y matapos na ang lockdown at makabalik na siya sa trabaho

  • Nang ipatupad ang community quarantine noong Marso sa Maynila, maraming mga Pinoy na taga probinsya ang  dito na nagtatrabaho at hindi na nakauwi
  • Sa isang viral FB post, ibinahagi ng isang construction worker ang paghihirap na kaniyang dinaranas
  • Hindi na kasi nakauwi sa kanila ang construction worker at nawalan pa ng trabaho kaya dasal niya na sana’y matapos na ang lockdown

Noong Marso 16, 2020, inilagay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lungsod ng Maynila sa community quarantine. Ito ang naisip na paraan upang hindi na kumalat pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Imahe mula Freepik

Nang maipatupad, maraming mga manggagawa sa Maynila na taga probinsya ang naiwan sa lungsod dahil kabilang sa community quarantine ang pagsuspinde ng mga pampublikong transportasyon.

Napabalita na ang ibang Pinoy na nais umuwi sa kanilang mga probinsya ngunit naabutan ng lockdown ay pinili na lamang maglakad para lang makasama ang kanilang pamilya. Ngunit may iba na pinili na lang manatili sa Maynila para na rin iwas na makahawa.

Isa ang construction worker na si Eber Estoñigas sa mga libo-libong manggagawa na nanatili sa Maynila at hindi na rin makauwi dahil sa kawalan ng pera. Sa isang trending FB post, ibinahagi ni Jamela Aisha Alindogan ang kuwento ni Mang Eber.

Imahe mula Facebook

Ayon sa post, nang magkaroon ng lockdown ay isa si Mang Eber sa mga nawalan ng trabaho at pati na rin ng tahanan. Ang pamilya niya umano ay umuwi na ng Leyte mula  Cabuyao, Laguna. Ayon umano kay Mang Eber, hindi siya uuwi at hihintayin na lang na matapos na ang lockdown upang makabalik siya sa trabaho.

“He said he will not go home to Leyte and just wait till lockdown is lifted so he can go back to work,” ani Jamela sa kaniyang post. Easter Sunday nang ma-interview ni Jamela si Manong Eber, at nang sabihin ng uploader ang araw na iyon, nagulat umano si Mang Eber.

Imahe mula Facebook

“He was surprised when we told him it was Easter Sunday—he said the days all seem the same to him,” ani ng uploader. Bukod sa pagnanais na matapos na ang lockdown, mayroon din umanong dalangin ang construction worker.

“Kagabi nagdasal ako Ma’am. Sabi ko Diyos ko baguhin mo po ang tadhana ko,” ani umano ni Mang Eber. Nagbigay naman ng update si Jamela tungkol kay Mang Eber at sinabing mayroon nang mga tumulong sa kaniya upang magkaroon na siya ng matitirhan.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: