Bayanihan! Magsasaka ipinagamit ang kanyang paragos upang maihatid sa mga residente ang ayuda

  • Nagkaroon ng hamon ang isang barangay sa pamamahagi ng ayuda dahil sa topograpiya ng kanilang lugar
  • Isang magsasaka ang nag-alok na ipagamit ang kanyang paragos para maihatid sa mga residente ang ayuda
  • Hinangaan ng mga netizens ang barangay dahil sa ipinakita nilang pagkakaisa

Sa mga lugar na may hamon sa topograpiya, hindi madaling ibiyahe at ipamahagi ang mga relief goods. Mabuti na lang may mga taong handang tumulong upang mas mapadali ito.

Imahe via Pres Fredo Tio Salimama | Facebook

Ito ang naging sitwasyon sa barangay ng Datal Anggas, Alabel, Sarangani Province.  Ibibigay na ang pangalawang bahagi ng relief goods sa kanilang barangay sa pangunguna ng kapitan na si Roldan T. Salimama.  Subalit sa kanilang talakayan lumabas ang isyu sa transportasyon nito patungo sa mga residente.  Isang magsasaka ang tumayo at nagsabing ipahihiram niya ang kanyang paragos sa pagdala ng mga relief goods.  Namangha ang mga opisyales ng barangay sa kayang kabutihang loob.

Nang, makita ito ng mga residente, naghiyawan sila.   Natuwa sila dahil nag-iisip ng paraan ang mga pinuno upang maihatid lang sa kanila ang relief goids.

Sa inilathalang balita ng TV Patrol South Central Mindanao maraming natizens ang humanga rito.

“Salamat sa lahat ng mga tao. They are trying their best para makatulong sa kapwa. God bless you all.”

“Saludo ako boss sa’yo.  Ginamit mo yung sasakyan ng masa para makatulong.  Sana makita ng iba ’yang ginawa mo. Pamarisan ka nila.”

Imahe via Pres Fredo Tio Salimama | Facebook

“Pati si kalabaw nakikisama sa COVID-19  .  God bless. ”

Bukod sa kalabaw, motorsiklo naman na nilagyan ng dalawang basket ang naghatid ng ayuda sa ibang lugar.

Nakahahanga ang barangay na ito.  Hindi nila inaasa lahat sa gobyerno ang solusyon.  Bagkus, sila na mismo ang boluntaryong nakipagtulungan base sa kanilang makakaya.

Sana’y maging inspirasyon ito upang magkaroon din ng bayanihan ang ibang lugar.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: