Bata ipininta ang imahe ni Hesus sa gitna ng enhanced community lockdown

  • Ipininta ng isang bata ang imahe ni Hesus sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community lockdown
  • Sa Facebook, ibinahagi ng DepEd ang nakatutuwang kuwento ni Lance Carwyn G. Lo na natapos na ang ipinipintang imahe ni Hesus 
  • Bukod sa pagpipinta, abala rin sa pagkanta ang batang mag-aaral ng Tala Elementary School sa Caloocan City

Iba’t iba ang ginagawa ng mga estudyante ngayong walang pasok sa paaralan at lahat ay kailangang manatili muna sa bahay. May mga naglalaro, may mga nag-aaral ng leksyon, at may mga nanonood ng mga paborito nilang programa.

Image via DepEd Philippines | Facebook

Sa Facebook page ng Department of Education, ibinahagi ng ahensya ang nakatutuwang kuwento ni Lance Carwyn G. Lo na natapos na ang ipinipintang imahe ni Hesus na sinimulan niya noong nakaraang buwan.

“Idinadaan ng isang learner sa pagpipinta at pagkanta ang bawat araw na walang pasok sa eskwela dahil sa COVID-19 outbreak. Si Lance Carwyn G. Lo ay learner ng Tala Elementary School sa Caloocan City,” saad ng DepEd sa caption ng mga litrato ni Lance.

“Kasabay ng outbreak, tinapos na rin ni Carwyn ang kanyang painting na mukha ni Hesukristo na sinimulan niyang gawin noong nakaraang buwan.”

Kuwento ng bata, “Nalungkot po ako noong hindi na papasok sa school kaya nag-aaral po ako gamit ‘yong mga notebook ko….Nagpe-paint. Kumakanta para kay Mama at sa mga may sakit dahil sa virus. Sabi ni Mama, i-paint ko rin daw si Jesus at mag-pray. Kaya sana po matapos na ang COVID para makapaglaro at makapag-aral na kami nang maayos.”

Pagbabahagi ng kanyang amang si Jun, mahilig din manood ng balita si Carwyn kaya naman ipinaliwanag niya sa anak ang tungkol sa COVID-19 outbreak. Maliban daw sa mga kantang ibinibidyo ng bata para sa kanyang ina na isang domestic helper sa Singapore,nag-record din ito ang isang kanta para sa COVID-19 patients at frontliners.

Image captured from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: