Balik-tanaw: Ang popular softdrink na Pepsi Blue noong early 2000s

  • Isa ang Pepsi Blue sa mga inumin na naging popular noong early 2000s
  • Hanggang ngayon ay marami pa rin ang may gusto sa softdrink na ito na naging malaking bahagi raw ng kanilang nakaraan
  • Sa Facebook, ibinahagi ng isang netizen ang litrato ng Pepsi Blue para naman daw sa mga hindi na natatandaan na minsang nagkaroon nito

Kabilang ka ba sa mga tumangkilik ng kulay asul na softdrink noong early 2000s?

Image captured from Facebook

Isa ang Pepsi Blue sa mga inumin na naging popular noong early 2000s. Bukod sa kulay nito, gustong-gusto rin ng marami ang lasa nito kaya naman naging malaking bahagi rin ito nga mga merienda at break time sa paaralan o sa trabaho noon.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Don Percii Sianda Pasion ang litrato ng Pepsi Blue para naman daw sa mga hindi na natatandaang sumikat ito noong araw.

“Ito o, para sa mga hindi naniniwala saakin na mayroong Pepsi Blue na nag-exist before. Hahahahahahaha ‘di n’yo alam lasa nito,” biro niya sa caption ng larawan.

Sa comments section ng kanyang post na nakakuha na ng lampas 51,000 reactions, makikita na hindi naman siya nag-iisa. Hanggang ngayon pala ay marami pa rin ang bumabalik sa nakaraan kapag nakakakita ng larawan nito o nakaririnig ng tungkol dito.

“Naaalala ko ito noong high school ako, mga rich kid lang ang nakabibili. Ako, ice tubig lang kaya ng baon ko,” kumento ng social media user na si Maiko Corpuz de Jesus. “Basta ang importante, mas maganda na ako ngayon. Hahaha!”

“‘Matik ‘to! Elementary days. Hahaha tagapakyaw ng Pepsi Blue habang nagbabantay. Hahahaha!” ani Marlou Bernal Robert.

Image captured from Facebook

Ikaw, naging paborito mo rin ba ito noon? Ano-ano ang mga alaalang ibinabalik sa iyo ng sikat na inuming ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: