
- Umantig sa maraming puso ang litrato ng isang babaeng nagdarasal nang nakaluhod sa labas ng isang simbahan sa Maynila
- Sa Facebook, ibinahagi ng isang social media user ang larawan ng babae na bigla na lamang daw lumuhod sa labas ng saradong simbahan upang manalangin
- Saad ng mga netizens, nakapupuno ng puso na makakita ng ganitong eksena ngayong mayroon kri
sis sa bansa
Sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa dahil sa COVID-19, umantig sa maraming puso ang litrato ng isang babaeng nagdarasal nang nakaluhod sa labas ng isang simbahan sa Maynila.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Natalia Eva Duyan ang larawan ng babae na bigla na lamang daw lumuhod sa labas ng saradong simbahan upang manalangin.
“Nagulat kasi ako kay ate, bigla siyang lumuhod then, she raised her hands and prayed. Sobrang na-touch ako na sa kabila ng init at saradong simbahan ay hindi siya napigilan na mag-pray,” saad ni Duyan sa caption ng larawan.
Dahil daw sa ginawang iyon ng babae, napagtanto niya kung gaano kahalaga ang pananalig sa kasalukuyan.
“Pray hard! Let’s give thanks for all the blessings we have! This trial makes us unite to praise and worship the Lord, our King! Pray hard, everyone! Sama-sama po natin ipanalangin ang buong mundo! Let your healing power be upon us, Lord Jesus! There is power in the name of Jesus,” wika ng nag-post.
Saad ng mga netizens, nakapupuno ng puso na makakita ng ganitong eksena ngayong mayroong kinakaharap na seryosong problema ang bansa; ang problema na siyang dahilan kung bakit sarado at walang misa sa mga simbahan maging ngayong Semana Santa na panahon sana ng pagninilay-nilay.

As of posting, nakakuha na ng libo-libong reactions at shares ang larawan ng babae.