18 anyos na Fil-Am, natanggap sa lahat ng 8 Ivy league schools

  • Isang binata mula Florida, USA  ang natanggap sa walong prestihiyosong Ivy league schools sa buong mundo
  • Ang estudyante na ito na naging valedictorian sa kanilang senior high school ay isang Filipino-American at mayroong Pinoy na ina
  • Kasama na ang walong Ivy league schools, natanggap sa 17 na unibersidad ang nasabing Fil-Am na estudyante

Mula elementarya hanggang senior high school, hindi gaanong pinagtutuunan ng pansin ng ilang mga estudyante ang paaralan na kanilang papasukan. Karaniwan kasi ay sa parehong school lang pumapasok mula elementary hanggang high school ang isang Pinoy na estudyante.

Imahe mula Freepik

Ngunit pagdating sa kolehiyo, pinag-iisipang mabuti ng mga magtatapos na estudyante ang kukunin na kurso at papasukang unibersidad. Para sa iba, ang kolehiyo ang unang hakbang upang magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ngunit paano kung natanggap ka sa halos lahat ng magaganda at prestihiyosong unibersidad hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo? Tiyak na mas lalo kang mahihirapang mamili ng papasukang kolehiyo pati na rin ng kukuning kurso.

Ito marahil ang nararamdaman ng 18 anyos na binata mula Florida USA nang matanggap niya ang acceptance letter ng walong Ivy League schools; ilan sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong mundo.

Imahe mula kay Craig McFarland via Facebook

Ang walong Ivy League schools ay kinabibilangan ng Dartmouth College, Brown University, Columbia University, Cornell University, Harvard University, Princeton University, the University of Pennsylvania, at Yale University.

Ang binata na natanggap sa mga unibersidad na ito ay si Craig McFarland, isang Filipino-American at senior high school student sa Stanton College Preparatory School sa Jacksonville, Florida.

Hindi na nakapagtataka na natanggap si Craig sa 17 unibersidad kabilang na ang walong Ivy League schools dahil siya ang valedictorian ng kanilang klase at mayroon siyang grade point average (GPA) na 4.98, tinatayang 4.0 ang pinakamataas na GPA.

Imahe mula kay Craig McFarland via Facebook

Sa isang interview, sinabi ni Craig na una niya umanong natanggap ang acceptance letter mula sa Yale University noong Disyembre. Pagkatapos ay sunod-sunod nang dumating ang mga acceptance letter mula sa iba’t ibang unibersidad kabilang na ang Duke University, Emory University, pati full scholarships sa Florida State University at University of Florida.

Ang ina ni Craig na si Donabel Santiago ay isang Filipina, at aniya “I’m very proud of him of course, Yale is enough, but for him to get accepted to all of it. It’s like wow. I’m just so thankful. I’m just so happy.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: