
- Isa ang time machine ng popular na karakter na si Doraemon sa mga bagay na hindi makalilimutan ng mga batang nahilig sa palabas na pinagbibidahan nito
- Sa post ng Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng marami ang panahon kung kailan inaabangan nila palagi ang pagta-time travel nina Doraemon at Nobita
- Pagbabahagi nila, minsan din nilang hiniling na masubukan ang kakaibang gamit na ito ni Doraemon
Ginusto mo rin bang sumama noon sa pagta-time travel nina Doraemon at Nobita?

Isa ang time machine ni Doraemon sa mga bagay hindi makalilimutan ng mga batang nahilig sa palabas na pinagbibidahan ng popular na karakter na ito noon.
Sa post ng Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng fans ng animated series na Doraemon ang panahon kung kailan inaabangan nila palagi ang pagta-time travel ng dalawang lead characters ng seryeng pambata na ito.
Pagbabahagi ng karamihan sa kanila, minsan nilang hiniling na masubukan ang kakaibang gamit na ito ni Doraemon; ang sumakay sa mala-awto na time travel device nito at makarating sa mga magagandang lugar sa hinaharap man o sa kasalukuyan.
Samantala, mayroon din namang mga naghahangad na makapag-time travel ngayong hindi na sila mga bata. May kanya-kanya silang dahilan: ang iba ay nais makabalik sa nakaraan, ang iba ay hangad masilip ang hinaharap kahit na saglit man lang.
“Ang sarap bumalik sa nakaraan gamit ‘yang time machine nina idol Doraemon para maitama ang mga pagkakamali ko. Kung puwede lang sana,” saad ng social media user na si Jay Inciso.
“Ako, sa future ako pupunta tapos kukunin ko mga numero sa Lotto results tapos babalik ako sa present day,” biro ni Ortsac Dyepoy.
Kumento naman ni Zion Legaspi, “How I wish na kahit isang oras man lang ay mabalikan ko ang isang tagpo ng buhay ko noong bata ako.”

Ikaw, gusto mo rin bang magkaroon ng time machine ni Doraemon? Saan mo balak pumunta kung sakali? Sa nakaraang lumipas na o sa hinaharap na mangyayari pa lamang?