Solidaridad: Book shop sa Ermita, nagbalik ng maraming alaala

  • Isa ang Solidaridad Book Shop sa mga sikat na bilihan ng aklat sa Maynila simula pa noong 1960s
  • Sa Facebook group na Ancestral Houses in the Philippines (AHP), binalikan ng marami ang mga gunitang nabuo sa loob ng tindahan ng aklat na nakatayo na sa Ermita simula 1964
  • Wika pa ng ilan, hanggang ngayon ay pinupuntahan pa rin nila ang book shop na ito

Kabilang ka ba sa mga mag-aaral na madalas bumibili ng libro noon sa isang kilalang book shop Ermita? Kasama ka ba sa mga book lovers na hindi maaaring hindi mabisita ang Solidaridad Book Shop?

Image capture from Facebook

Isa ang Solidaridad Book Shop sa mga sikat na bilihan ng aklat sa Maynila simula pa noong 1960s. Dito madalas pumupunta ang mga estudyante at book lovers noon at ang iba sa kanila ay hindi mga taga-Maynila at talaga namang dumarayo pa para makabili ng aklat na gusto nila o makahanap ng libro na makapupukaw sa kanilang interes.

Sa Facebook group na Ancestral Houses in the Philippines (AHP), binalikan ng marami ang mga gunitang nabuo sa loob ng tindahan ng aklat na nakatayo na sa Ermita, Maynila noon pang 1964. Wika pa ng ilang “young once”, hanggang ngayon ay pinupuntahan pa rin nila ang book shop na ito na madalas nilang binibisita noong kabataan nila.

“I used to frequent that store as a student in a university nearby. I loved browsing there. I got a whiff of my youth with this post. Thank you,” saad ng social media user na si Angela Castillo.

“I remember this bookstore! I used to frequent the store during my young working days in Ermita. Surprised to find out it’s still there! We try to check out one of these day,” ani Dino Del Rosario.

“Visited this recently. Have lots of good books for sale. Tulo-laway lang cause most of the books I want are expensive or, at least, way beyond my budget for books,” wika naman ni Leonard Ryerson.

Image via Joey Bow | Facebook

Ikaw, nagagawi ka rin ba rito noon? Pinupuntahan mo pa ba ito hanggang ngayon?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: