Payo ng isang netizen sa mga kababaihan: Pray for a partner who’s not scared of an ambitious woman

  • Sa isang FB post, ibinahagi ng isang dalaga ang mga life lessons na kaniyang natutunan tungkol sa buhay pag-ibig
  • Payo niya sa kababaihan na nasa 30s na ang edad, huwag umanong magpapadala sa pamantayan ng lipunan na kailangang magkaroon agad sila ng pamilya pagtungtong ng ganung edad
  • Ani pa niya, maiging magdasal na makatagpo ng makakasama sa buhay na hindi takot suportahan ang desisyon at mga pangarap niya sa buhay

Maraming Pinoy ang nag-hashtag “relate” sa posts na ibinabahagi ng iba’t ibang netizens tungkol sa buhay ito man ay mapatungkol sa trabaho, araw-araw na kalbaryo, buhay pag-ibig, at iba pa.

Imahe mula Freepik

Para naman sa mga post tungkol sa mga aral sa buhay na nagiging inspirasyon sa karamihan, ang mga ito ay isini-share upang magsilbing aral at paalalahan na rin ang mga makababasa.

Kamakailan, isang Facebook post na mayroong magandang mensahe para sa kababaihang nasa 30s na ang edad ang maaaring maiugnay sa selebrasyon ng International Women’s Day.

Sa post ni Shirley E. Olivo, una niyang kinilala ang mga suliranin na kinahaharap ng ibang Pinay na nasa edad 30 pataas na at wala pa ring asawa o anak. “You may have been hit by questions like ‘oh, kailan na’ or statements like ‘kapag gusto gusto’ a multiple times.”

Imahe mula kay Atty. Angelica Caisip Romero via Facebook

Aniya, ang mga ganitong tanong umano na dapat ay walang ibang ibig sabihin ay  nagiging pag-atake pa sa pagkatao at mga plano sa buhay ng mga babaeng pinagtatanungan.

Payo ni Shirley sa mga magkasintahan na tinatanong ng ganito: “One thing that I think works best for me and Jerico: We talk about it all the time. You see, as long as everything is clear between you and your partner, how you respond or what you respond to those insensitive questions would no longer matter.”

Imahe mula kay Atty. Angelica Caisip Romero via Facebook

Para sa mga single na kababaihan, sinabi ni Shirley na maganda umano na humiling sa Maykapal ng karelasyon na hindi lang maunawa kundi suportado rin ang anumang mga pinapangarap mo sa buhay.

Pray for a partner na super understanding. Someone who’s not scared of an ambitious woman, but would rather support them.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: