Paulo Coelho naglabas ng libreng e-book ng kaniyang mga akda

  • Dahil karamihan ng mga tao sa buong mundo ay naka-quarantine sa kani-kanilang bahay, maraming mga kilalang personalidad ang gumagawa ng paraan upang mag-reach out sa kanilang mga tagasubaybay
  • Ang ibang singers ay nagkakaroon ng libreng concert gamit ang kanilang mga social media accounts
  • Samantalang ang manunulat naman na si Paulo Coelho ay libreng naglabas ng e-book ng kaniyang mga akda

Maraming tao ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang nananatili na lamang sa kani-kanilang tahanan sa gitna ng nangyayaring pandemic. Ito ay upang maprotektahan ang sarili at maiwasan na kumalat pa ang COVID-19.

Imahe mula Freepik

Dahil sa tagal ng pananatili ng mga tao sa loob ng kanilang bahay, ang social media ang karaniwan nilang tinatakbuhan upang maiwasan ang boredom. Kaya naman nauuso ang maraming nakatatawang libangan, videos, at challenges na makikita sa iba’t ibang social media.

Ngunit para sa mga kilalang personalidad, ginagamit nila ang social media upang makipag-ugnayan sa kanilang mga tagahanga at tagasubaysubay. At isa na nga sa mga ito ay ang kilalang manunulat na si Paulo Coelho.

Imahe mula Instagram

Kung ang ibang singers tulad nina John Legend at John Mayer ay nagkaroon ng libreng live concert  gamit ang kanilang social media account, namahagi naman si Coelho ng libreng e-book ng kaniyang mga akda.

Sa kaniyang Instagram account inanunsyo ng Brazilian author ang kaniyang regalo sa mga readers:  “During the current pandemic, I posted some titles (ebooks) for free on my page.”

Ang mga librong ito ni Coelho ay: “Manuscript Found in Accra,” “Manual of the Warrior of Light,” at “The Way of the Bow.” Ang mga ito ay maaaring ma-download sa mga lenggwahe na English, Portugues, at Español.

I-click ang imahe upang mapunta sa IG post ni Paulo Coelho

Marami namang tagasubaybay at tagahanga ng “The Alchemist” author ang natuwa sa ginawa niyang ito. Lalo na ngayon at karamihan sa mga bookworm ay mayroon nang maraming oras upang makapagbasa ng mga libro na matagal na nilang gustong basahin.

Sa mga ganitong panahon, mahalaga na gawing makabuluhan at produktibo ang bawat oras at araw upang matuto ng mga bagay at makakuha ng mga kaalaman na magagamit sa araw na malaya na ulit tayong makalalabas.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: