Nostalgic! 2-minute cartoon commercial ‘Barkada Trip’, inaabangan noon sa Studio 23

  • Isa sa mga inaabangan noon sa Studio 23 ang two-minute cartoon commercial na “Barkada Trip”
  • Bagama’t maiikli lamang ay kinaaaliwan ng marami ang mga nakakatawang episodes nito tungkol sa mga teenager na may iba’t ibang personalidad at interes
  • Hanggang ngayon ay naaalala pa raw ito ng mga “young once” na hinihintay ito araw-araw, sa tuwing commercial break na, noong mid-2000s

Naaalala mo pa ba ang barkada nina Bok, Derek, Nori, Abantao, Nikki, Trixie, at Marla?

Image capture from Barkada Trip video | YouTube

Isa sa mga inaabangan noon sa Studio 23 ang two-minute cartoon commercial na “Barkada Trip”. Bagama’t maiikli lamang ay kinaaaliwan ng marami ang mga nakakatawang episode nito tungkol sa mga teenager na may iba’t ibang personalidad at interes; mga pagkakaiba na dahilan kung bakit mas nakalilibang ang bawat video na ineere.

Sa Facebook, YouTube, at iba pang sites, paminsan-minsan ay binabalikan pa rin ng mga “young once” ang isa sa pinaka-cool na cartoon barkada noon sa Pilipinas. Hanggang ngayon ay naaalala pa rin daw ito ng mga viewers na naghihintay dito araw-araw–sa tuwing commercial break, umaga at gabi–noong mid-2000s. Sa Pinoy na Pinoy na estilo ng mga karakter, hindi nga naman nakapagtataka kung bakit ito tumatak nang husto sa marami.

“Si Bok, Abantao, Trixie, Nikki, Marla, Derek, at Nori. Tapos iyong pusang alaga ni Bok ay si Malas at iyong alaga naman ni Nori na Tarsier ay si Aries. Nakaka-miss manood ng mga short clip na ito sa Studio 23,” saad ng Facebook user na si Samuel Phillip.

“Brings back high school memories. Aside from Yu-Gi-Oh!, ito ang inaabangan ko noon,” pagbabalik-tanaw ng YouTube user na si NormanPogi3000.

“Noong elementary, lagi ko pinanonood ito kapag commercial break sa Channel 23,” pag-aalaala ni Dark Anime.

Image capture from Barkada Trip video | YouTube

Memory lane! Balikan ang nakaka-LSS na theme song ng two-minute cartoon commercial na “Barkada Trip”:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: