Noah Centineo, ibinahagi ang cellphone number sa fans upang makausap sila sa gitna ng social distancing

  • Sa ginagawang malawakang quarantine, maraming mga kilalang personalidad ang nagbabahagi ng kanilang karanasan sa pananatili sa bahay
  • Gamit ang kanilang mga social media account, ang mga celebrities ay hindi nakalilimutang makipagkumustahan sa kanilang mga fans
  • Ang aktor naman na si Noah Centineo ay ibinahagi pa ang kaniyang personal number upang mas makausap at makipag-communicate sa kaniyang fans

Maraming tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang pinipiling manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan upang makaiwas na rin sa pandemic dulot ng COVID-19. Mas marami tuloy ang kanilang iginugugol na oras sa social media upang makausap ang mga kakilala.

Imahe mula kay Noah Centineo via Instagram

Mas lalo ring naging active sa kani-kanilang social media ang ilang kilalang personalidad at celebrities, local man o international. Sa katunayan, sa kanilang mga personal social media rin nakikipag-ugnayan ang mga celebrities sa kanilang mga fans.

Bukod sa ibinabahaging mga litrato at videos ng daily routine ng mga artista habang nasa loob lamang ng kanilang bahay, may iba rin na nagkaroon pa ng live concert: habang ang iba ay nagsasagawa ng video chat sa mga tagasubaybay.

Karamihan sa mga celebrities na nagkakaroon ng live video chat ay sa Instagram, lalo na at may live chat interface ang app na ito. Ngunit para sa To All The Boys I’ve Loved Before actor na si Noah Centineo, mas nais niyang mapalapit at personal na makausap ang mga fans sa gitna ng mga pangyayari.

Imahe mula kay Noah Centineo via Instagram (I-click ang imahe upang mapanood ang video)

Kaya naman sa kaniyang IG at Twitter account, ibinahagi ni Noah ang kaniyang personal na number upang matawagan o ma-text siya ng mga tagahanga. ” I’ll text you first. So hit my line +(561)-220-0860,” anunsyo ni Noah sa mga followers.

Ayon kay Noah, matagal na umano siyang naghahanap ng paraan upang makipag-ugnayan sa mga fans. At ang pagbibigay ng kaniyang number ang nakita niyang paraan upang makausap ang mga ito, “I’ll let you know when I’m in your city, when I get a new role, when a book I’m excited about comes out, when I can’t sleep and want to know who else is thinking about some crazy sht.”

Maraming mga fans at hindi fans ni Noah ang natuwa sa kaniyang ginawang effort upang makipag-ugnayan sa mga taong nais siyang makausap, malaman ang mga pangyayari sa kani-kanilang buhay, o simpleng makumusta lamang ang isa’t isa.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: