Netizens, kinaaliwan ang umano’y ‘lockdown’ sa isang kusina

  • Kinaaliwan ng marami ang viral na litrato kung saan makikita ang isang kusina na nakisabay sa lockdown
  • Kapansin-pansin kasi sa naturang post na mistulang naging ‘restricted area’ ang kusina lalo na’t nakakurdon pa talaga ang daan papunta roon
  • Nakadagdag din naman sa ‘good vibes’ ng netizens ang nakasabit na papel dito na may nakasulat na “Utang na loob! Tigilan niyo muna ang ref”

Dahil sa patuloy na pagkalat ng coronavirus disease, karamihan ngayon sa mga Pinoy ay nananatili muna sa kani-kanilang bahay. Kasabay rin nito ang pansamantalang pagsasara ng ilang establisimyento gaya ng mga kainan o restaurant.

Imahe mula sa Facebook | Proud Caviteño

Kaya naman hindi maitatanggi na isa sa mga pinakadinadalaw ngayon na bahagi ng bahay ay ang kusina.

Paano ba naman kasi, ngayong kumpleto ang pamilya, sa kusina madalas nagtitipon para magluto at kumain. Higit sa lahat, hindi rin maiwasan ng mga ‘chikiting’ na magpabalik-balik dito para tingnan kung may puwede pang makain sa loob ng ref. Ang hiling tuloy ng mga nanay at tatay, kaunting pagtitipid ngayong panahon ng COVID-19.

Dahil dito, naisipang ibahagi ng netizen na si Sean Kyle David ang litrato ng kanilang kusina na mistulang nakisabay rin sa lockdown!

Sa litrato kasi, makikitang nakakurdon talaga ang daan papunta sa loob ng kusina nila. Nakadagdag din sa ‘good vibes’ ng netizens ang nakasabit na papel doon na may nakasulat na: “Utang na loob! Tigilan niyo muna ang ref.”

Public Domain Image

Nakahakot naman ng libu-libong shares at reactions ang litrato matapos itong i-repost ng Facebook page na Proud Caviteño.

Kuwento pa nga ng iba, walang katapusan daw ang kanilang mga hugasin dahil sa maya’t-mayang pagkain ng kanilang mga anak.

“Walang katapusang hugasin sa kusina ko. Akala ng mga junakis nabalong laman ng ref kada buksan nila kaya may curfew din,” sabi ni Belen Garcia Pasquel.

“Waahhh wala nang ila-lockdown ubos na ng mga anak ko magre-refill na naman ako ulit,” biro naman ni Christine Joy Romualdo.

Gayunpaman, nais din iparating ng Facebook post na ito na sana’y matutong magtipid ang bawat Pilipino ngayong panahon ng krisis. Hindi talaga biro ang makaipon ng pera kaya dapat ay maging wais tayo sa paggastos nito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: