‘Nakita namin ang kabayanihan nila’: Chooks-to-Go namahagi ng roasted chickens sa mga frontliner

  • Namahagi ng mga roasted chicken sa mga frontliner ang food company na Bountry Agro Ventures Inc.; ang kompanya na nasa likod ng “Chooks-to-Go” 
  • Ayon sa Chooks-to-Go, nakita nila ang kabayanihan ng mga frontliner sa patuloy nilang pagtupad ng serbisyo para sa bayan sa gitna ng banta ng COVID-19
  • Pumunta ang mga team ng Chooks-to-Go sa mga checkpoint at ospital

Ibinahagi ng food company na Bountry Agro Ventures Inc.–ang kompanyang nasa likod ng Chooks-to-G–ang mga sikat na roasted chicken nito sa frontliners na nakadestino sa mga checkpoint at ospital.

Image via Chooks-to-Go | Facebook

Ayon sa Chooks-to-Go, nakita nila ang kabayanihan ng mga frontliner sa patuloy nilang pagtupad ng serbisyo para sa bayan sa gitna ng banta ng COVID-19.

“Mula nang nagsimulang kumalat ang COVID-19 dito sa mainland Luzon, nakita ng Bountry Agro Ventures Inc. ang kabayanihan ng ating medical frontliners; mga doktor, nurse, medical volunteers, at medical organizations na naglaan ng kanilang oras at pagod upang maserbisyuhan ang mga tinamaan ng virus….Sa munting paraan na ito ay nais naming ipakita ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga itinuturing natin na mga bagong bayani,” saad ng food company.

Dala ang mga packed meal para sa mga frontliner, pumunta ang mga team ng Chooks-to-Go sa iba’t ibang checkpoints kabilang na ang nasa Lagro, Novaliches; Padre Diego Cera, Las Pinas; Cabiao, Nueva Ecija; Banaba and Batasan Filinvest, Rizal; Liwasang, Marikina; Talipapa, Caloocan City; Taguig; Bustos and Marilao, Bulacan; Camachile, Pampanga; Cagayan de Oro; Cabanatuan-Sta. Rosa, Nueva Ecija; Marikina City-Pasig boundary; at sa Philippine Army Command Center sa Paranaque City.

Bukod pa rito, namahagi rin ito ng food packs sa mga health worker sa Ospital ng Maynila, Our Lourdes Hospital, Pasay City General Hospital, Novaliches General Hospital, San Lazaro Hospital, Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, at The Medical City-Ortigas.

Image via Chooks-to-Go | Facebook

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: