Mga residente sa barangay, nagpatalbugan ng mga home quarantine pass

  • Nagsimula nang mamahagi ng quarantine pass ang mga opisyales ng barangay 
  • Ibinahagi ni Roel Sese sa social media ang iba’t-ibang quarantine pass na tiyak na magpapatawa sa ‘yo

Natanggap mo na ba? Ito na yata ang isa sa mga pinakahihintay na papel ng mga mamamayan ngayon — ang quarantine pass.

Imahe via Anne Cachola | Facebook

Ang home quarantine pass ay magsisibing pass ng isang tao upang makalabas at makabili ng mga pangangailangan tulad ng pagkain o gamot. Layunin nitong makontrol ang dami ng taong lumalabas ng bahay ngayong panahon ng quarantine. Sa isang bahay o pamilya, isang tao lang din ang maaaring bigyan nito.

Sa mas lalong pinahigpit na quarantine, sinimulan na itong ipamahagi ng mga opisyal ng barangay sa kanilang nasasakupan.  Walang standard na sinusunod sa disenyo nito kaya magkakaiba ang mga itsura ng quarantine pass.

Ibinahagi naman ni Roel Sese sa Facebook ang iba’t-ibang quarantine pass.

Imahe via Ferlin Joy Areglado Crema | Facebook

Nakaaaliw  tingnan ang sari-saring itsura nito.  Mayroong nakaimprenta sa medyo makapal na papel at may halong bulaklak pa na disenyo. Kaya kumento ng isang netizen, “Parang wedding invitation na.” Hahaha. Talagang ni-level up ng barangay ang pass nila.

May mga nagtitipid din ng papel dahil sa isang quarantine pass, limang magkakapitabahay ang nakalista. Ibig sabihin, maghihiraman sila kung sino ang lalabas. “Eh di wow!” sabi ng may-ari nito.

May mga hindi maayos ang pagkakagupit at parang tinamad sa paggunting.  Ang mga salita naman sa isang ibinahagi ng netizen, magkadikit-dikit pa na ayon sa kanya ay parang hindi huminga.  Hahaha.

Siyempre, para mas maiba, “fenk’ (pink) ang kulay ng iba.  Sabi pa ng isang nakakita,”Haha. Akala ko ‘yan ung card ko noong buntis ako sa hospital. Haha.”

Imahe via Aika Manalo | Facebook

Sobrang maliit naman ‘yong iba na inihalintulad na nila sa mga papel kapag nagpapa-raffle.  At tinatakan lang ito ng pangalan ng punong barangay. Delikado ‘yan, madaling mawala.

Hindi lang ‘yan. S’yempre, naroon yong may piktyur ni Kap. Ehem.  Sosyal din sa iba dahil nakalaminate pa. Mayroon ding naka dry seal.  At hindi lahat ay libre dahil may nagpapabayad ng P20 o P50!

Mapapatawa ka talaga sa patalbugan ng quarantine pass.  Kahit papaano, sa pagbahagi ni Roel Sese nito, gumaan nang kaunti ang ating kalooban sa panahon ngayon.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: