Marikina health workers, nakatanggap ng cakes at pastries mula sa Goldilocks

Image via Marikina PIO | Facebook
  • Namigay ng cakes at pastries sa mga health workers ng Lungsod ng Marikina ang isang kilalang bakeshop sa bansa
  • Sa Facebook page ng Marikina PIO, pinasalamatan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang Goldilocks Bakeshop sa pagsadya nito sa City Health Office
  • Wika ng alkalde, bayanihan ang pag-asa ng lungsod sa gitna ng banta nga COVID-19

Nakatanggap ng cakes at pastries ang mga health worker ng Marikina City na kabilang sa mga frontliner na itinuturing na mga bayani ngayong kasagsagan ng COVID-19 crisis.

Image capture from Facebook

Sa pamamagitan ng Facebook page na Marikina PIO, pinasalamatan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang Goldilocks Bakeshop sa pagsadya nito sa City Health Office ng “Shoe Capital of the Philippines”. Ani Teodoro, ang bayanihan ng mga taga-Marikina ang pag-asa ng lungsod laban sa COVID-19.

“Sama-sama, tulong-tulong. Walang maiiwang Pilipino. Maraming salamat sa tulong ninyo sa ating mga walang pagod na health workers,” wika ng alkalde.

Pinasalamatan din ng mga Marikeño ang bakeshop sa tulong na iniabot nito sa “COVID heroes” ng kanilang lungsod. Higit sa lahat, binigyan din nila ng papuri ang mga bayaning ito na patuloy na naglilingkod kahit gaano pa kadelikado ang sitwasyon.

“Thank you, Goldilocks! Thank you, Mayor, at sa lahat ng iyong mga angel,” kumento ng residente na si Lenn Mercado Punzalan.

“Ang mga health worker ay exposed sa ganitong sitwasyon, ‘di sigurado kung ang mga taong nakakasalamuha nila ay carrier ng virus. Let’s pray for them, and pray na sana maka-discover na ng gamot sa virus na ito. Sana lahat tayo ay sama-samang magdasal,” sabi naman ni Myr Salvador Magdura.

Sa mga nagnanais pang mag-abot ng tulong tulad ng pagkain at iba pang pangangailangan, walang hanggang pasasalamat daw ang ipinaaabot ng alkalde.

Images via Marikina PIO | Facebook