Libreng swimming: Naranasan mo rin bang maligo sa patubig sa bukid?

  • Dahil sa init ng panahon, maraming iba’t ibang libangang ang mga Pinoy upang hindi maramdaman ang temperatura
  • Sa bukid o mga probinsya, ang mga saka o tanim ay pinapatubigan upang makaiwas na rin sa pagkatuyo
  • Nakagawian naman ng ilang Pinoy ang maligo sa patubig na ito habang kumakain sa silong ng mga puno sa bukid

Ano ang gusto mo tungkol sa pagpunta sa bukid? Ito ba ang simoy ng hangin? Ang katahimikan ng lugar? O di kaya ay malayo sa kahit na anong gulo na makikita sa lungsod?

Imahe mula kay Ella Gali

Maraming mga magagandang bagay ang makikita at mararanasan sa bukid na kalimitang makikita sa mga probinsya. At isa na nga rito ay ang pagligo sa patubigan.

Ang patubig ay ginagawa sa mga tanim o saka tulad ng palay. Ang mga ito ay tinutubigan upang mamunga nang maayos at makaiwas na rin sa pagkatuyot lalo na ngayon at panahon na ng tag-init dito sa bansa.

Para naman sa ilang Pinoy na lumaki sa probinsya, ang patubigan na ito ay nangangahulugang libreng ligo o swimming dahil maaaring magtampisaw sa rumaragasang tubig mula sa tubo ng patubigan.

Imahe mula kay Ella Gali

Kalimitan pa sa mga naliligo sa mga patubigan ay mga magkakapamilya o magkakaibigan na pumupunta as bukid upang mag-picnic. Sa panahon kasi ngayon ng tag-init, iba’t ibang aktibidad ang ginagawa ng mga Pinoy tulad ng pagsi-swiming at pagkain sa SM (silong ng mangga).

Lalo na sa panahon ngayon na inirerekomenda ang “social distancing” upang makaiwas sa COVID-19, nararapat lamang na lumayo sa matataong lugar at pumunta sa lugar na maraming puno at may malinis na simoy ng hangin.

Ngunit tandaan din na hindi maganda sa balat ang sobrang pagbabad sa tubig at sa ilalim ng sikat ng araw. Mahalaga na maglagay ng sun block lotion kapag magbababad sa araw o di kaya ay magsuot ng sumbrero o magdala ng payong kapag lalabas.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: