‘Kung inabutan mo ‘to, ‘di ka na bata’: Mga lumang lalagyan sa Jollibee, nagbalik ng maraming gunita

  • Nagbalik ng maraming alaala ang mga litrato ng old school take-out containers na ginagamit noon sa Jollibee
  • Sa post ng isang Facebook page, inalala ng mga “batang Jollibee” ang mga gunitang kakabit ng mga lumang lalagyang ito
  • May mga nagbahagi rin ng kanilang paboritong pagkain sa popular na fast food restaurant; kabilang na ang mga wala na ngayon sa menu

Isa ka rin bang batang Jollibee noon? Natatandaan mo pa ba ang disensyo ng pinakalumang take-out containers nito na naabutan mo?

Image capture from Facebook

Nagbalik ng maraming alaala ang mga litrato ng old school take-out containers na ginagamit noon sa Jollibee. Sa post ng Facebook page na Kami Batang 90s, ibinahagi ng admin ang ilang larawan ng mga lumang lalagyan sa popular fast food restaurant na sikat na sikat sa mga bata. Dito ay inalala ng mga “batang Jollibee” ang mga gunitang kakabit ng mga lumang lalagyang ito. Saad nito sa caption ng litrato, “‘Pag ganito pa ang mga lalagyang inabutan mo sa Jollibee, hindi ka na nga ganoon kabata.”

“Hahahaha! Tumatanda na nga tayo, mga ka-90s,” natatawang kumento ng Facebook user na si Bryan Jimenez.

“Iyong plastic spoon and fork na may ulo ni Jollibee,” pagbabalik-tanaw ni Ima Francheska Alo.

“Ang tanda ko na pala talaga!” ani Jalixaklien Pacaña. “Ang hirap paniwalaan lalo na sa height.”

“Bakit sumakit ang puso ko noong nakita ko ito? Hahahaha! Nakaka-miss naman bumalik sa dati. Sana bata na lang ako ulit,” wika naman ni Mary Joy Ofiaza.

Marami rin ang nakaalala na madalas nilang pinaglalaruan noon ang mga lalagyan na ito na gawa pa sa styrofoam. Anila, pagkatapos kainin ang laman ng mga ito ay tinutusok nila ng tinidor ang lalagyan.

Samantala, may mga nagbahagi rin ng kanya-kanya nilang paboritong pagkain; kabilang na ang mga wala na ngayon sa menu ngunit patuloy pa rin nilang hinihiling na matikmang muli.

Image capture from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: