Judy Ann: Kung kontrabida ang COVID-19, sikat na sikat na ‘to, pero wala pa rin makatatalo sa Diyos

  • Nagbigay ng nakaantig na mensahe ang aktres na si Judy Ann Santos sa mga kapwa niya Pilipino na magkaisa sa panahon ng COVID-19
  • Wika ng aktres, lahat daw ay apektado at pinahihirapan ngayon ng isang kontrabidang hindi nakikita
  • Gayunman, naniniwala pa rin daw siya na wala pa rin makakatalo sa Panginoon

Nagbigay ng nakaantig na mensahe ang “Queen of Philippine Soap Opera” na si Judy Ann Santos sa kanyang mga kababayan na pinahihirapan sa iba’t ibang paraan ng krisis na dala ng COVID-19.

Image via Judy Ann Santos | Instagram

Sa inspirational message ni Judy Ann na naka-upload sa ABS-CBN Entertainment YouTube account bilang bahagi ng Pantawid ng Pag-ibig project, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pananalig ngayong hinaharap ng bansa ang isang “kontrabidang hindi nakikita”.

“Kaisa tayo sa lahat nang nangyayari ngayon. Wala na ito sa estado. Lahat tayo ay apektado dito sa isang kontrabida na hindi natin nakikita. Hindi natin siya mararamdaman up until mga ilang araw ang nakalipas,” wika ng Kapamilya actress. “Sa pagkakataong ito, tayo ay pare-parehong natatakot, nangangamba kung ano ba ang kinakaharap natin. Sa pagkakataong ito, magtulungan po tayo, magdasal tayo. Manalig tayo na malalagpasan natin ito. Bilang Pilipino, wala naman tayong sakuna na hindi nalagpasan.”

Bago matapos sa pagbibigay ng mensahe, ipinaalala rin niya na walang hindi kakayanin ang mga Pinoy na marami nang hinarap at napagtagumpayan na hamon dahil sa pagiging masayahin at sa lalim ng pananampalataya ng mga ito sa Lumikha.

“Hindi talaga natin hawak ang kinabukasan natin pero ang mayroon tayo ay pananalig. Iyon ang pinakamalaking sandata na hawak natin sa pinagdadaanan natin,” aniya.

Image via Judy Ann Santos | Instagram

“Malalampasan natin ito nang may ngiti sa mga mukha natin dahil ganoon tayong mga Pilipino. Tinatawanan natin ang mga bagay-bagay. Itong virus na ito, kung puwedeng gawing kontrabida, sikat na sikat na siya ngayon–pero walang makakatalo sa Diyos. Siya lang ang puwede natin pagkatiwalaan sa pagkakataong ito,” sabi pa ng aktres.


Loading...
Source :

YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: