Jolly Radio: Ang pambansang radyo ng mga batang Jollibee noong 1990s

  • Isa ang Jolly Radio sa mga naging paboritong laruan ng mga batang Jollibee noong 1990s
  • Sa Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang mga panahong nagmistulang laro para sa kanila ang pakikinig ng musika dahil sa disensyo ng radyo na malapit sa kanilang puso
  • May mga nagbahagi rin na hindi sila nagkaroon nito kailanman ngunit minsan itong pinangarap

Isa ang pakikinig ng musika sa pinakamagagandang bagay na maaaring gawing libangan. Paano pa kaya kung ang awiting iyong pinakikinggan ay nagmumula sa isang radyo na ang design ay inspired sa paborito mong karakter?

Image capture from Facebook

Isa ang Jolly Radio sa mga naging paboritong gamit ng mga batang Jollibee noong 1990s. Ihinulma kasi ang device na ito sa anyo ng popular character na si Jollibee; ang mismong mukha ng isa sa mga fast food chain na gustong-gusto ng mga batang Pilipino.

Sa Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang mga panahong nagmistulang laro para sa kanila ang pakikinig ng musika dahil sa disensyo ng radyo na malapit sa kanilang puso. Anila, madalas nilang bitbit ang maliit na radyo na ito noon kahit saanman sila makarating. Ang iba, nakatutulugan na lamang daw ang pakikinig dito at magigising na lamang na katabi na nila ito sa kanilang higaan na para bang isang stuffed toy o unan.

“Jollibee na radyo talaga bumuhay sa childhood ko,” kuwento ng social media user na si Yeng Bernardo Catamio-Sedano.

“Naalala ko iyong radyo na Jollibee ng pinsan ko noon na katabi ko pa sa pagtulog,” pagbabalik-tanaw ni Jessica Adams Phr.

Ang iba naman ay hindi nagkaroon nito ngunit kabilang daw ito sa mga minsan nilang pinangarap noong kabataan nila.

Ani Rodim George Anthony Grucen, “Pangarap kong magkaroon ng Jollibee na radyo na iyan, kaso nalipasan na ng promo. At sa paglipas ng panahon, mas nag-iba na rin ang music gadget.”

Image capture from Facebook

Ikaw, nagkaroon ka rin ba noon ng Jolly Radio? Dito mo ba unang sinabayan ang mga popular na awitin noon? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section at sabay-sabay tayong bumalik sa masaya nating kahapon!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: