Ilang pamilya, gumawa ng face shield para ipamigay nang libre sa mga healthcare workers

  • Dahil sa kakulangan sa surgical mask, maraming Pinoy ang gumagawa ng ibang paraan upang maproteksyonan ang sarili laban sa COVID-19
  • Para sa mga frontliners tulad ng health workers, mas malaki ang pangambang madapuan sila ng nasabing virus
  • Kaya naman ang ibang mga pamilya ay gumawa na ng face shield para ipamigay nang libre sa mga healthcare workers

Isa sa pinangangambahan ng marami lalo na sa panahon ngayon ay ang kakulangan ng surgical masks sa buong bansa. Sa katunayan, hirap nang makahanap ng mabibiling mga surgical mask sa anumang drugstore, at kung may mabibili man online ay mas mahal na.

Imahe mula kay Patricia Ramos/Project Shield via Jekki Pascual, ABS-CBN News Facebook page

Kaya naman iba’t ibang paraan ng ginagawa ng mga Pinoy upang maprotektahan ang kanilang mga sarili sa COVID-19. Bukod sa pananatili na lamang sa kanilang mga bahay, madalas na paghuhugas ng kamay at paglalagay ng alcohol at sanitizer, gumamit na lamang sila ng cloth or washable face mask.

Ngayon, importanteng ang mga frontliners tulad ng mga sundalo at health workers na matiyagang nagtatrabaho upang maprotektahan ang mga Pinoy laban sa nasabing virus ang magkaroon ng protective gear at equipment tulad ng surgical masks.

Dahil sa kakulangan ng surgical masks na malakas pangproteksyon laban sa virus, ilang mga pamilya ang gumawa na ng face shield para ipamahagi nang libre sa mga healthcare workers.

Imahe mula kay Patricia Ramos/Project Shield via Jekki Pascual, ABS-CBN News Facebook page

Sa ibinahaging mga litrato ng ABS-CBN News Facebook page, makikita ang mga miyembro ng isang pamilya na sama-samang gumagawa at nag-a-assemble ng face shield. Nilagyan ito ng caption na: “Hindi sinayang ng ilang pamilya ang kanilang oras sa bahay matapos gumawa ng face shield para ibigay nang libre sa mga healthcare worker.”

Ang nasabing post ay nakalikom na ng mahigit 64,000 reactions at 5.8K shares wala pang isang araw matapos itong i-post. Marami ring netizen ang humanga at nagpasalamat sa ginagawang ito ng mga pamilya upang makatulong at maprotektahan din sa kanilang simpleng pamamaraan ang mga frontline workers.

Imahe mula kay Patricia Ramos/Project Shield via Jekki Pascual, ABS-CBN News Facebook page

Thank you for your effort in extending help in making Protective shield to our doctors. May God bless your family. There is really a big shortage on this.

A family project, to benefit the whole WORLD. How much more NOBLE can you be? THANK YOU SO MUCH.

Ito’y ilan lamang sa mga comment sa litrato. Nawa’y mas marami pa ang mga katulad nila na makatutulong nang malaki sa simpleng pamamaraan.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: