Ibang bersyon ng Pintoora’t Yakee: ‘Colorific Mouth Wash’ at ‘Cry Baby’, tinangkilik din ng 90s kids

  • Bagama’t nakalimutan na ng karamihan, hindi maikakailang nagustuhan din noon ng marami ang dalawang brands ng bubble gum bandang 1990s na katulad ng sikat na Pintoora at Yakee
  • Katulad ng Pintoora, ang Colorific Mouth Wash ay nagkukulay din sa bibig ng kakain nito
  • Ang Cry Baby naman ay kagaya ng Yakee na isang maasim na bubble gum

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalilimutan ng mga batang 90s ang Pintoora at Yakee — ngunit alam n’yo ba na mayroon pang brands ng bubble gum na katulad na katulad ng mga ito?

Image capture from Facebook

Bagama’t nakalimutan na ng karamihan, hindi maikakailang nagustuhan din ng marami noon ang Colorific Mouth Wash at Cry Baby; mga bubble gum na ipinakilala noong early 1990s. Katulad ng Pintoora, ang Colorific Mouth ay nagkukulay din sa bibig ng kakain nito, habang ang Cry Baby naman ay kagaya ng Yakee na isang maasim na bubble gum.

Sa post ng Facebook page na Kami Ang Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang dalawang brands ng bubble gum na minsan din nilang tinangkilik at nagpasaya sa kanilang kabataan.

“Iyan ang original,” pag-aalaala ng social media user na si Greg Cabus. “Elementary pa lang ako noong lumabas iyan. Iyan ang kapareho ng Yakee at Pintoora. Kung inabutan n’yo iyan, masasabi ninyo na mas maganda ang quality niyan compared sa Yakee at Pintoora.”

“Pag-uwi ko galing school, hindi na maintindihan kung anong kulay ng dila ko, e,” pagbabalik-tanaw ni Ralph Paclibar.

“Hinahanap ko iyan sa Candy Corner sa malls pero wala sila niyan. Iyong Cry Baby ang mas gusto ko sa dalawang iyan,” pagbabahagi ni Aidriyan Cornel.

Kuwento naman ni Tim C. Martin, “Mahal kasi ito kaya ang mga bata doon ay pinipili ang tigpipiso. P2.50 or P3 ang isa niyan while piso lang ang Yakee at Pintura.”

Image capture from Facebook

Ikaw, inabutan mo ba ang Colorific Mouth Wash at Cry Baby?


Loading...
Source :

Facebook, Buzz DF

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: