‘I promise to love, honor, cherish you’: Groom, may ‘wedding vow’ sa anak ng kanyang bride

  • Naantig ang puso ng maraming netizens matapos mag-viral ang isang kasalan kung saan may wedding vow ang groom para sa anak ng kanyang bride
  • Sa Facebook, ibinahagi ng Reverie ang isa sa mga nakaaantig na bahagi ng kasal nina John Carlo Toribio at Dianne Barrio
  • As of posting, nakakuha na ng lampas 30,000 shares at mahigit 49,000 reactions ang nasabing post

Sabi nila, kapag umibig ka, handa ka rin dapat ibigin ang lahat ng tao at bagay na mahalaga sa iyong minamahal.

Image capture from Facebook

Sa Facebook, ibinahagi ng Reverie ang nakaaantig na parte ng kasal nina John Carlo Toribio at Dianne Barrio kung saan inusal ng groom ang isa pa niyang “wedding vow” — ang pangako ng pagmamahal niya para sa anak ng kanyang mapapangasawa.

“I, Papa Carl, take you to be my beloved son. I promise to love, honor, and cherish you until the end of time. I will commit myself to you, Dionne Jake, promising to guide you through your life as you grow old and later become kuya. I promise to give you my unconditional love and to support you as long as I live. Continue to be our blessing. Continue to make us Mama Peng proud in everything that you do,” aniya.

Marami ang naantig, natuwa, at muling nanalig sa totoong pag-ibig dahil sa ginawang ito ni John.

“The best vow I ever heard. A man like you, Sir, is so rare. Men in this generation are so judgmental when it comes to single moms. Hope that you’ll stay that way and shower them more love. Bless your marriage, sir. You are a true hero,”ani Yen Faith Lim Aujero.

“Congrats, sir! Your vow was totally life-changing. Continue to be a good father,” wika ni John Stephen Estoce.

“I salute you, sir! Naiiyak ako! Sana makahanap din ako ng lalaki na tanggap ako at ang mga anak ko,” kumento naman ni Macy Regio.

Image capture from Facebook

As of posting, nakakuha na ng lampas 30,000 shares at mahigit 48,000 reactions ang nasabing post


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: