Handmade “get well” cards mula sa mga bata, balak ibigay sa mga pasyente sa RITM

  • Hinihikayat ng isang doktor ang mga bata na kung maaari ay gumawa sila ng handmade “get well” cards
  • Balak kasi nila itong ipamigay sa mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19 at kasalukuyang nagpapagaling sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM
  • Layunin din ng munting aktibidad na ito na pangitiin ang mga pasyente at bigyan sila ng lakas ng loob para patuloy na lumaban sa virus

May kasabihan tayo na “little acts of kindness can go a long way”. Kahit kasi sa iyong pinakasimpleng paraan, pwede ka pa ring makapaghatid ng hindi matatawarang saya sa ibang tao. Kumbaga, akala mo lang maliit ang tinulong mo pero sa totoo lang, may katumbas pala itong malaking halaga para sa mga nangangailangan.

Public Domain Image

Ganito ang nais iparating ng munting request ni Dr. Nicole Perreras, isang doktor sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM. Kasalukuyan niya kasing hinihikayat ang mga bata na kung maaari ay gumawa sila ng handmade “get well” cards para sa mga pasyente na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Kumalat naman sa social media ang panawagan ng doktor at marami na rin ang nag-share nito kabilang ang aktres na si Jodi Sta. Maria. Narito ang laman ng naturang announcement:

“Dr. Nicole Perreras is requesting if your kids are interested in creating handmade get well cards that they can give out to their patients to somehow uplift their spirits. Each patient will get a get well card as part of their breakfast tray. You may email them to [email protected] and they will print them instead.”

Samantala, kaliwa’t kanang netizens naman ang tumugon sa request ni Perreras at sa pamamagitan ng isang Facebook post, inupload niya ang ilan sa mga nauna nilang natanggap na letters. Lubos din siyang nagpasalamat sa mga bata sa paglalaan ng oras para gawin ang cards.

Imahe mula sa Facebook | Nicole Perreras

“We all need a dose of happy this morning. Say hello to RITM’s early morning deliveries! Ty kids for these rays of sunshine. They will be our patients’ special vitamins at lunchtime,” pahayag ni Perreras.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-uupload ng iba pang netizens ng mga handmade “get well” letters na ginawa ng kanilang mga anak. Umaasa rin sila na sana’y mas dumami pa ang lalahok sa nakakatabang-pusong aktibidad na ito.

May you continue to spread hope and love, mga kababayan!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: