Guro nagtahi ng libreng face masks para sa mga frontliners, pulis, drivers, at barangay officials

  • Hinahangaan ngayon ng netizens ang 63-anyos na guro mula sa Pambujan, Northern Samar
  • Ito’y dahil sa pagkukusang loob niyang manahi ng libreng face masks para sa mga frontliners, pulis, drivers, at barangay officials
  • Agad naman itong kumalat sa social media matapos i-upload ng kanyang anak ang ilan niyang litrato habang matiyagang nananahi

Ngayong nasa ilalim ng ‘community quarantine’ ang iba’t ibang lugar sa bansa, mahigpit na pinapakiusapan ng gobyerno ang publiko na manatili muna sa loob ng kani-kanilang bahay para masugpo ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Dahil dito, napilitan tuloy ang karamihan sa mga Pinoy na maghanap ng mapaglilibangan sa loob ng bahay. Ang iba naman, sinamantala ang pagkakataong ito para makapaglinis, mag-ayos ng mga gamit, at makipag-bonding sa kanilang mga pamilya.

Imahe mula sa Facebook | Phoebe Maria Blanca Merino

Pero sa kabila ng samu’t saring puwedeng gawin habang nasa bahay, naisip ng 63-anyos na guro na si Bernardita “Bernie” Merino na ilaan ang kaunting oras ng kanyang ‘quarantine period’ para makatulong sa iba. Sa katunayan, hinahangaan nga siya ng netizens dahil sa matiyaga niyang pananahi ng mga libreng face masks para sa mga frontliners, pulis, drivers, at barangay officials.

“She donated masks for the RHU (Rural Health Unit) of Pambujan. She’s now about to finish those for Police Officers. She said, after making masks for the frontliners, she’s gonna make some more masks for pedicab drivers. And I think she’s gonna make some more!” kuwento ng anak niyang si Phoebe Merino sa isang viral Facebook post.

Ayon pa sa dalaga, talagang ginagawang ‘productive’ ni Nanay Bernie ang kanyang quarantine period kaya hindi na rin daw nakapagtataka kung bakit maraming biyaya ang natatanggap ng kanyang ina.

“She’s home and she’s making her quarantine period productive. Now I understand why God bless you always with things I always pray! I’m a proud daughter of a doer,” masayang paglahahad ni Phoebe.

Imahe mula sa Facebook | Bayan Mo, Ipatrol Mo

Ikinalugod naman ng netizens ang pagmamalasakit na ipinakita ni Nanay Bernie. Hiling din nila na sana ay pagpalain pa siya lalo at maging inspirasyon sa iba pa nating kababayan.

Thank you po Ma’am sa malasakit mo sa mga kapwa mo. God bless,” sabi ni Marilou Dimakiling. “Salamat sa pakikiisa sa laban na ito… Thumbs up!!!” komento rin ni Lee Wong.

Muli, mula sa aming lahat, maraming salamat po sa inyong kagandahang loob Nanay Bernie. Mabuhay po kayo!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: