Guro ibinida sa social media ang natanggap niyang tulong: “Maliit na kumpanya ngunit malaki ang malasakit’

  • Maraming manggagawa ang pansamantala munang pinatigil sa trabaho dahil sa enhanced community quarantine 
  • Nakatanggap si Juanito C. Balundo ng kaunting tulong mula sa kanilang kumpanya
  • Tuwang-tuwa siya dahil maliit lang naman daw na kumpanya ito pero may malasakit

Isa ka ba sa mga empleyado na natigil ang trabaho dahil sa nangyayaring community quarantine ngayon? Napakahirap isipin para sa isang ordinaryong mamamayan kung paano niya iraraos ang mga susunod na linggo nang walang suweldo.

Imahe via Juanito C. Balundo | Facebook

Ngunit nabawasan ang pangamba ni Juanito C. Balundo dahil sa alok na tulong ng kanilang kumpanya. Sa kanyang tuwa, ibinahagi niya sa Facebook ang larawan ng grocery items na kanilang natanggap. Makikita ang mga noodles at de lata na kasaama sa mga ipamamahagi. Hindi lang iyan dahil may limang daang piso pa!

Sabi niya, “Hindi man malaki ang kumpanya ng boss namin, malaki naman ang kanyang malasakit sa amin.” Mas lalo na raw dapat sa mga malalaking kumpanya. Ngayon na raw ang oras upang ipakita sa mga empleyado na tunay silang may malasakit.

Kahanga-hanga ang pinagtatrabahuan niya kung saan ay  isa siyang lisensyadong guro. Mapapa-sana all ka talaga. Hindi naman lahat ng employer ay may kakayahang magbigay ng isang buwang suweldo kahit na walang trabaho ngunit maski sa ganoong paraan maipapakita nito na may pagpapahalaga ito sa kanila

Naglabas naman ng kanya-kanyang kuwento ang mga netizens.

“Sa anak ko, double pay sa may gusto at naka-condotel kayo mag stay for 1 month. May food allowance na P350 per day. Ang opis nasa tabi ng condotel. Basta no work no pay sila. Kung hinde ka papasok ibabawas sa 14 day VL mo kaya hirap magdesisyon.”

Imahe via Juanito C. Balundo | Facebook

“Wow buti pa sa inyo may bigayan. Dito nga sa’min milyon-milyon ‘yung kita sa bawat isang tanker ng alcohol pero kami na contractual hindi binibigyan, mga regular lang.”

“We stay here in our office. Everything is provided, even Netflix and chill.”

Sana maging daan ito para sa iba na makatanggap  din ng tulong. At kung malayo man ang ating kuwento sa kay Juanito, magpakatatag na lang tayo upang malagpasan natin ang mga pangyayaring ngayon.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: