Greenwich-Riverbanks, namigay ng pagkain sa mga frontliner sa Marikina

  • Namigay ng pagkain sa mga frontliners sa Marikina City ang isang fast food restaurant sa lungsod
  • Sa Facebook group na Marikina News, pinasalamatan ng city councilor na si Carl Africa ang Greenwich-Riverbanks sa pamamahagi nito ng 300 food packs 
  • Kabilang sa mga nakatanggap ng pagkain ay ang mga doktor, nars, pulis, sundalo, guwardiya, at iba pa

Sa gitna ng isinasagawang enhanced community quarantine para labanan ang banta ng coronavirus disease (COVID-19), may mga taong hindi maaaring manatili sa loob ng bahay; may mga taong kailangang gampanan ang kanilang tungkulin para sa bayan.

Image via Councilor Africa Carl | Facebook

Sila ang mga tinatawag na frontliners; katulad ng mga doktor, nars, pulis, sundalo, guwardiya, at iba pa. Dahil dito, minabuti ng isang fast food restaurant sa Marikina City ang pagbigay ng pagkain bilang pasasalamat sa kanila.

Sa Facebook group na Marikina News, pinasalamatan ng city councilor na si Carl Africa ang Greenwich-Riverbanks sa pamamahagi nito ng 300 food packs sa mga frontliner.

“Maraming-maraming salamat po sa Greenwich Riverbanks Branch, sa pamamagitan ni Ma’am Abi at Prince, sa pag-donate ng 300 packs of one-piece chicken with rice para sa ating mga frontliner–doctors, nurses, pulis, at sundalo na nagseserbisyo sa ating lungsod! Ang dami n’yo po napasaya at natulungan,” wika ni Africa.

“Nagpapasalamat din ako kay Sir Edwin Tan para sa pagsuporta sa misyon na ito. Salamat po at nagpasama ka sa Team Africa ng OPSS para malaman namin kung saan ang mga checkpoints dito sa atin. Pati na rin po kay Sir Emerito Susi, salamat po. Sa Team Africa rin na walang sawang suporta at pagtulong sa ating mga kababayan. Iba kayo! Saludo ako sa inyo!” pagpapatuloy niya.

Higit sa lahat, pinasalamatan din ng konsehal ang mga bayani ng lungsod.

“Sa ating mga front liner–doctors, nurses, pulis, sundalo, BFP, guwardya, at sa iba pang nagseserbisyo sa ating lungsod, maraming, maraming salamat sa inyo. Kayo ang super heroes ng Marikina!” aniya.

Image capture from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: