GMA News Anchors Jessica Soho at Vicky Morales, pinuri ng netizens sa kanilang ‘fearless’ interview kay Sen. Koko Pimentel

  • Umani ng papuri mula sa netizens ang GMA News anchors na sina Jessica Soho at Vicky Morales
  • Ito’y matapos masaksihan ng publiko ang kanilang kahanga-hanga at ‘fearless’ live interview sa 24 Oras tungkol sa isyung kinasangkutan ni Sen. Koko Pimentel
  • Humingi naman ng paumanhin ang senador sa nangyaring insidente

Naging usap-usapan sa social media ang pangalan ng GMA News anchors na sina Jessica Soho at Vicky Morales. Ito’y matapos ang kanilang ‘fearless’ at kahanga-hangang panayam sa 24 Oras tungkol sa isyung kinasangkutan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

Napabalita kasi noong araw na iyon na nagpositibo ang senador sa COVID-19 at kasabay nito ay ang hindi niya pagsunod sa quarantine protocols na inilatag ng Makati Medical Center (MMC) matapos siyang pumasok sa loob ng ospital para samahan ang nagdadalantao niyang asawa.

Imahe mula sa 24 Oras via Twitter

Depensa naman ni Pimentel, hindi pa niya alam na positibo siya sa COVID-19 noong mga saglit na iyon ngunit base pa rin sa health protocols, ang isang tao ay dapat agad mag-self-quarantine sa loob ng labing-apat na araw kung siya nakitaan ng sintomas ng viral disease.

Naglabas naman ng official statement ang MMC kung saan ay kinondena nila ang diumano’y iresponsable at pabara-barang aksyon ng senador.

“We denounce the irresponsible and reckless action of the senator. He added to the burden of a hospital trying to respond in its most competent and aggressive manner to cope with the daunting challenges of this COVID-19 outbreak,” saad ni MMC Medical Director Dr. Saturnino Javier sa naturang statement.

Dahil dito, nagkaroon ng live phone interview si Pimentel sa 24 Oras kung saan siya ay tinanong nang diretsahan ni Soho.

Narito ang ilan sa mga ‘fearless questions’ niya na pinuri ng netizens:

“Mabigat po ang statement ng Makati Medical Center. You were ‘reckless’ daw at nabawasan pa tuloy ‘yung kanilang mga tauhan. Naka-home quarantine pa po kayo, e, bakit pa ho kayo pumasok sa ospital? Kaya tuloy, e, nagkaroon pa ng problema sa kanilang ospital.”

“Okay, so, you’re qualifying na home quarantine ‘yun. Hindi po ba kayo nag-err on the side of caution, ‘ika nga? I think ‘yun nga ho ‘yung hinahanap po sa inyo e. You knew there was a danger that you were exposed, tapos pumunta pa ho kayo sa ospital.”

Bukod pa rito, ginamit din ni Soho ang pagkakataong ito para tahasang itanong sa senador ang umano’y pamumulitika pagdating sa COVID-19 testing kits.

“Senator, of course, I have to say we’re sorry you tested positive pero kailangan ko rin tanungin ito kasi issue ito the past days. Bakit parang may palakasan daw diyan sa testing na ‘yan? At ‘yung mga pulitiko natin, nakapagpa-test kahit wala namang symptoms gayung ‘yung mga PUI na may malalang symptoms, lalo na po ‘yung ating medical frontliners, ni hindi mabigyan ng pagkakataon para makapag-test at mahaba po ‘yung pila. Paano ho ba nangyari ito?”

At kagaya ni Soho, pinuri rin si Morales dahil sa hindi niya pagtatago ng kanyang pagkadismaya sa naturang isyu. Nangyari ito habang kapanayam ng anchor si Dr. Javier ng MMC.

“Doc, medyo nakakagalit, nakakalungkot itong nangyari sa hanay ng mga health worker sa Makati Medical Center. I can just imagine siguro umuusok ‘yung mga chat group ng mga doktor sa mga sandaling ito.”

Imahe mula sa Twitter | @GandaraNgVball

Matapos masaksihan ang mga panayam, bumuhos ang suporta at paghanga ng netizens kina Soho at Morales. Sa katunayan, nag-trending pa nga ang ’24 Oras’ at ang kanilang mga pangalan sa Twitter.

“You can see in Vicky Morales’ face that she is angry of what the poor senator did. Jessica Soho was so professional earlier with her interview with the poor senator. I stan GMA News anchors!” pahayag ni Twitter user @lordeeiam.

“Napakaswerte ng GMA at meron kayong Jessica Soho at Vicky Morales. We stan these queens who are not afraid of bringing issues which are very timely,” sabi rin ni Twitter user @GandraNgVball.

Samantala, humingi na rin naman ng paumanhin si Pimentel sa nangyaring insidente.

“I apologize to MMC for being in their hospital [on] the evening of March 24, 2020, which they deemed to be a breach of their safety or containment protocols. I never intended to breach any protocol but I realize now that my presence in MMC unnecessarily caused additional anguish and concern to the courageous frontline health workers we all depend on.”

Tinanggap na rin ng pamunuan ng MMC ang paumanhin ng senador.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: