“From a GH boy to a proud Atenean girl”: Kuwento ng isang transgender, viral ngayon sa social media

Imahe mula sa Facebook | Nicholai Belgica
  • Humanga at sumaludo ang mga netizens sa isang transgender na nagbahagi ng nakaaantig na istorya sa social media
  • Bilang pagdiriwang kasi ng nalalapit niyang pagtatapos sa kolehiyo, nag-post siya ng litrato kung saan makikita ang throwback graduation picture niya noong high school
  • Kalakip din nito ang isang mensahe na lubos na pumukaw sa puso ng netizens lalo na sa LGBT community

“From a GH boy to a proud Atenean girl” — ganito inilarawan ng Communicatins Technology Management student na si Nicholai Belgica ang kanyang ‘memorable journey’ tungo sa pagiging isang ganap na transgender.

Sa katunayan, ipinasilip niya sa isang viral Facebook post ang kanyang graduation picture noong high school. Kalakip nito ang nakaaantig na caption kung saan niya inilahad ang munting mensahe para sa sarili.

Imahe mula sa Facebook | Nicholai Belgica

“Seeing this photo is so surreal… four years ago, I didn’t think I’d be as happy as I am today. How I wish I could go back in time and show this to 15-year old Nicholai, so that she wouldn’t be so hard on herself!” kuwento ni Nicholai.

Dagdag pa niya, bagama’t malaki raw ang pinagbago ng kanyang itsura, wala namang pinagbago pagdating sa kanyang puso at habambuhay niyang ipagmamalaki ang magandang karanasang ito.

“The truth is, I may look different — but my heart is still, and always has been, the same. I will always be proud of my journey, because it took so long and so much to get here,” saad niya.

Nagpaabot din ng pasasalamat si Nicholai sa kanyang eskwelahan at magulang dahil sa kanilang paggabay at walang sawang pagsuporta sa kaligayahan niya.

“Thank you to Ateneo and most especially my parents for allowing me to discover and ultimately express my truest self. Thank you for consistently supporting my happiness. I will forever and always be grateful to you,” pahayag niya.

Imahe mula sa Facebook | Nicholai Belgica

Samantala, sa isang panayam sa Coconuts Manila, ibinahagi naman ni Nicholai ang dahilan kung bakit naisipan niyang isama ang kanyang teenage photo sa trending na litrato niya ngayon.

“I wanted to make sure that my grad photo was something that represented me and my journey, and I felt like holding a picture of my past self was the perfect way to depict that,” paliwanag ni Nicholai.

Dahil dito, umabot na sa libu-libong shares at reactions ang post ni Nicholai. Marami ring netizens ang humanga at na-inspire sa kanyang kuwento.

Sabi nga ni Gertrude Florencio Eduarte sa isang comment: “Congrats, God bless and may you serve as an inspiration to many others who want to discover and express their true selves.”